Antoinette Taus may trauma sa mga kagat ng aso

Antoinette Taus

Maraming netizens ang nagulat at naawa sa sinapit ng actress-host na si Antoinette Taus dahil sa pag-atake sa kanya ng dog breed na Chow-Chow.

Sa kanyang Facebook account noong March 4 pinost ni Toni ang pi­nagdaanan niyang masidhing operasyon dahil sa mga matitinding kagat sa kanya ng naturang aso.

Naganap daw ang pag-atake ng Chow-Chow sa aktres noong nakaraang Sabado, March 2, sa isang family wedding sa Baguio.

Sa mga pinost ni Antoinette na photos sa Facebook nagtamo siya ng malalalim na kagat sa kanyang left forearm, left thigh at right breast.

Hindi naman kinuwento ni Antoinette kung bakit siya inatake ng aso. Ang pinapasalamat na lang niya na walang damage sa arteries at nerves kung saan siya kinagat.

Heto ang naturang post:

“I am currently confined and recovering from dog bites to my left forearm, left thigh, and right breast. I was attacked by a chow chow on Saturday evening while at a family wedding in Baguio.

“My left forearm suffered the worst and took two hours of surgery and suturing.

“We didn’t get to take photos when it happened or in the emergency room. There was so much going on that nobody thought of it.

“These are photos of my arm after surgery when my bandages were being changed. But initially when it first happened there was some fat hanging out of the wound and I could even see the tendon in my wrist. Luckily there’s no permanent damage and no arteries or nerves were harmed.

“I don’t mean to worry anyone, but I just wanted to give a proper update for those concerned. I have some events and meetings lined up this week and I sincerely apologize for not being able to attend to work for now. Praying for a speedy recovery and deeply grateful to the amazing doctors and nurses that have been so wonderful in taking care of me since I arrived.

“For those thinking of getting a dog, I have been told that chow chow’s are the number one breed known to be involved dog bite cases. I am an animal lover and my natural instincts wouldn’t allow me to harm the dog that was attacking me. He is perfectly fine. But I am definitely traumatized most especially by the chowchow breed.”

Luke Perry napapalibutan ng pamilya nang mamatay

Pumanaw na ang ‘90s heartthrob na si Luke Perry pagtapos nitong magkaroon ng massive stroke noong nakaraang linggo. He was 52.

Tinakbo si Perry sa isang California hospital last February 27 after experiencing a massive stroke sa kanyang tahanan sa Sherman Oaks, California.

Nasa kanyang tabi ay ang kanyang ex-wife na si Rachel Minnie Sharp at ang mga anak nila na sina Jack and Sophie.

‘He was surrounded by his children Jack and Sophie, fiancé Wendy Madison Bauer, ex-wife Minnie Sharp, mother Ann Bennett, step-father Steve Bennett, brother Tom Perry, sister Amy Coder, and other close family and friends,” ayon pa sa publicist ng yumaong aktor.

Bago na-stroke si Perry, natuwa ito dahil ini-announce officially na magkakaroon ng reboot ang 1990 show na Beverly Hills 90210 kung saan siya sumikat at ang ilan pang kasabayan niya na sina Jason Priestley, Shannon Doherty, Jennie Garth, Tori Spelling, Brian Austin Green, Ian Ziering, Gabrielle Carteris, Tiffany Thiessen, Lindsay Price, Jamie Walters and Hilary Swank.

Sumikat si Perry sa role niya bilang si Dylan McKay sa Beverly Hills 90210. Bago iyon, lumabas siya sa ibang shows tulad ng Another World at sa mga pelikulang Buffy the Vampire Slayer, The Fifth Element and Scorchers.

Huling napanood si Perry sa Netflix series na Riverdale kung saan gu­maganap siya bilang si Fred Andrews.

10 best films ng 2019 inilabas na!

Nilabas na ang sampung mahuhusay na pelikula para sa taong 2019 ng Gawad Pasado.

Ang Gawad Pasado ay binubuo ng mga guro mula sa iba’t ibang uni­bersidad at pamantasan. Naniniwala ang grupo na mabisang instrumento ang pelikula sa pagtuturo sa mga mag-aaral.

Ang mga pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Kasal - pinagbidahan nina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Paulo Avelino. Mula ito sa direksyon ni Ruel Bayani.

The Hows of Us - pinagbidahan nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla at idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

School Service - mula sa direksyon ni Louie Ignacio, pinagbidahan nina AiAi delas Alas, Joel Lamangan at Therese Malvar.

Bomba - mula sa direksyon ni Ralston Jover, pinagbidahan nina Allen Dizon, Sue Prado, Allan Paule, Angeli Nicole Sanoy at Joel Saracho.

Aria - dinirek ni Carlo Enciso Catu, bida sa pelikula sina Liya Sarmiento at Jay Garcia.

Rainbow’s Sunset - pinagbidahan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa, Tirso Cruz III, Aiko Melendez, Sunshine Dizon and Max Collins. Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan.

Kuya Wes - directed by James Robin Mayo, bida rito sina Ogie Alcasid, Ina Raymundo, Alex Medina, Moi Marcampo, Rubi-Rubi at Gerard Acao.

Goyo: Ang Batang Heneral - mula sa direksyon ni Jerrold Tarog, bida rito si Paulo Avelino, kasama sina Carlo Aquino, Gwen Zamora, Empress Schuck, Arron Villaflor, Mon Confiado and Benjamin Alves.

ML - bida rito si Eddie Garcia at mula sa direksyon ni Benedict Mique. Kasama rin sina Tony Labrusca, Lianne Valentin, Jojit Lorenzo at Henz Villaraiz.

Spoken Words - mula sa direksyon nina Ro­nald Abad at John Ray D. Garcia, bida rito si Erwin Bautista Buenaventura with Bavick Ravil, Matt San Juan, Patrick Alba, Marco Novenario, Mich Rapadas, Abe Herma and Jon Romano.

Show comments