Ang pagiging bayani ng lead actor na si Coco Martin ng top-rating and long-running action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano ay hindi lamang sa small and big screen niya ipinapakita kung hindi maging sa totoong buhay.
At muli niya itong pinatunayan sa pamilya ng namayapang dati niyang kasamahan sa paggawa ng indie movies na si Kristofer King (Christopher Sioco Reyes sa tunay na buhay) na sumakabilang buhay nung nakaraang Sabado ng gabi, February 23 sa edad na 36. Naiwan nito ang kanyang walang hanap-buhay na misis na si Joan ‘Nikki’ Reyes at limang anak na ang bunso ay limang taong-gulang pa lamang. Sa limang anak, dalawa rito ay may sakit na Hunter syndrome na nangangailangan ng medical attention.
Nang isinugod si Kristofer sa pagamutan nung umaga ng Sabado, si Coco kaagad ang inasahan nilang tutulong at hindi nga sila nagkamali.
Matutuloy na sa darating na linggo ng umaga, Marso 3 ang planong libing kay Kristofer dahil sa tulong ni Coco.
Star Magic may summer workshop uli
Muling magkakaroon ng summer workshop ang Star Magic Workshops ngayon April na pangu-ngunahan ng workshop’s head, ang writer-director at acting coach na si Direk Rahyan Carlos sa tulong ng mga professional and seasoned teachers in their respective fields in acting, voice and dancing workshops.
Ang adult acting classes ay iha-handle ng singer-actress na si Carla Martinez kasama sina Rubi Rubi, Lynette Concepcion, Heart de Guzman at Air Paz Pablico habang ang kids acting classes ay hahawakan nina Edna Mae Landicho at HB Benetiz. Ang dance classes naman ay paghihiwalayin sa tatlong genre tulad ng jazz funk, hiphop at urban na pangungunahan ni Nesh Janiola ng Hotlegs kasama sina Brion Lim ng Manouvres Ignite at Geejay Romana habang ang voice classes ay pangungunahan pa rin ng Philippine Magdrigal Singers alumnus na sina Luningning San Jose, Julie Anne Reyes at Roland Roldan.
Bukod sa acting, dancing and voice workshop, madadagdag sa workshop ang Conversational Tagalog Class for non-Tagalog speakers class na pamamahalaan ni Weena Sadorra.
Condolences...
Ang aming taos pusong pakikiramay sa pamilya ng ating kasamahan sa panulat na si Glenn Regondola sa pagpanaw ng kanyang mahal na ina na si Gng. Rosalina Regondola sa edad na 82 dahil sa aneurysm. Ang kanyang mga labi ay matutunghayan sa St. Peter’s Memorial Chapel in Araneta A-venue, Quezon City simula ngayong gabi ng alas-11 at sa March 5 ay iuuwi siya sa kanyang hometown sa Legazpi City. (Nakikiramay po sa naiwang pamilya. - SVA