^

Pang Movies

Janella ‘di priority ang pag-ibig

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Janella ‘di priority ang pag-ibig

Loveless sa edad na 28 si Janella Ejercito, eldest among the children nina former Senator Jinggoy Estrada at Precy Vitug.

 

Siya ang outgoing Vice Mayor ng San Juan City at tumatakbo ngayong coming mid-term election for Mayor of the City. Marami ang humuhulang mananalo si Janella.

Since naka-focus si Vice Mayor Janella sa kanyang pagiging politician, mukhang hindi pa siya abala sa kanyang lovelife. Bagama’t balitang may mga nanliligaw sa kanya na willing maghintay.

“Talagang born politician ang anak kong ‘yan,” sabi ni Sen. Jinggoy kay Vice Janella. “Bata pa kasi siya, idol na niya ang kanyang Lolo Erap (referring to Joseph Estrada, former President and currently the Mayor of Manila. He is running for re-election).

“And, of course, me, too,” nakangiting saad pa ni Sen. Jinggoy na tumatakbo bilang Senator muli. “But her plan was to start her political career muna as Councilor. Then, vice Mayor nga.”

Tumulong din si Janella sa pag-entertain ng members of media na inimbita ni Jinggoy para sa kanyang advance birthday celebration. He is turning 56 on February 17.

Special guest sa nasabing event si Edu Manzano, na tatakbo namang Representative of the lone district of San Juan City.

Kapag nanalo raw siya ay baka magpahinga muna siya sa showbiz. “I would want to focus my attention to serve the people of San Juan. Just like what Vice Janella, I’m sure, will again do, if she, too, ay pinalad na manalo.”

Hindi baguhang politician si Edu, as he served one time bilang Makati Vice Mayor.

Tumakbo siya rin siya sa pagka-vice president pero hindi pinalad na manalo.

Liza gustong maging abogado

Nasa bucket list pa rin pala ni Liza Soberano ang maipagpatuloy ang kanyang college studies, tulad daw ng naipangako niya sa kanyang lola on her father’s side.

Pangarap daw kasi ni Liza ang makatapos ng Psychology at kumuha ng Law.

Ito raw ang dahilan kung bakit at home siya sa kanyang role sa soon-to-be released movie, Alone/Together katambal ang reel and rumored real-life sweetheart niyang si Enrique Gil. Both of them play students in the movie.

Directing Alone/Together is direk Antoinette Jadaone, who finished her film course at the University of the Philippines.

Naging very memorable raw para kay direk Antoinette ang kanyang college years. Kaya, relate na relate raw siya, lalo na sa role na ginagampanan ni Liza.

Ganun pa man, idinenay niyang ipinatern niya sa kanyang college life ang role na ginagampanan ni Liza.

Neither would she reveal if nagkaroon siya ng love life during her college days. Right now, of course, open si direk Antoinette sa kanyang ongoing relationship with equally talented and in demand movie and TV director, Dan Villegas.

Boots tinatrabaho na ang libro ng KANYANG buhay

Isa pang UP college graduate ay si Boots Anson-Roa Rodrigo na nag-graduate pa with honors.

Bukod sa pag-arte, si Boots ay isa ring writer, columnist at editor.

Plano rin niyang magsulat ng libro tungkol sa kanyang love life at profession. She will invite friends in the industry when she launches the book.

Her husband, lawyer King Rodrigo is all out sa kanyang pag-suporta kay Boots sa kanyang bagong endeavor.

Well, good luck, Boots.

JANELLA EJERCITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with