Tuloy ang laban para sa action star-turned-po-litician na si Monsour del Rosario sa kanyang pagtakbo bilang vice mayor ng Makati City sa ilalim ng PDP-Laban sa May 2019 elections.
Kasalukuyang umuupo bilang 1st district representative si Mon at ang magiging running mate niya ay si Junjun Binay na makakalaban bilang mayor ng Makati City ay ang kapatid nito, ang nakaupong mayor ngayon na si Abby Binay.
Ayaw nga raw makialam ni Monsour sa away ng magkapatid dahil masyado na raw iyong personal. Kung sino lang daw ang makakaayos nito, silang magkakadugo raw ang magagawa no’n.
Nilinaw din ng actor-politician ang pagkawala niya sa unang sinamahan niyang partido na UNA.
“Masyado raw akong generous sa maraming taong lumalapit sa akin. Kahit na raw kalaban ng partido, tinutulungan ko. For me, wala akong pinipiling taong tutulungan. Hindi ba ang unang goal natin as public servants is to unselfishly give public service? Bata pa lang tayo, turo na ng magulang natin ay maging matulungin tayo sa ibang tao, ‘di ba? Human nature natin iyon.,” paglilinaw ni Monsour.
Inamin pa ni Mon na nauuwi na sa personalan ang pag-atake sa kanya nga-yon, lalo na nang magdesisyon siyang tumakbo bilang vice mayor ng Makati City.
“Pero hindi tayo quitter. I’m a fighter and wala tayong inuurungan na laban. Kaya whatever it takes, tuloy tayo sa laban na ito,” diin pa ni Monsour.
Pinatunayan nga ni Mon na hindi totoo ang mga paninira sa kanya na wala raw siyang ginawa bilang Makati representative at hindi raw siya malapitan.
Ilan nga raw sa mga naipasa na House bills ni Mon in Congress ay angTelecommuting Act, Philippine Passport Act, Agricultural Free Patent Act, Amendment of the Public Service Act, National Sports Training Center Act, Strengthening the MMDA Act, along with 274 other bills and resolutions with the House of Representatives.
Tekla makakapiling na ang anak
Maraming netizens ang naiyak sa pagkikitang muli ni Super Tekla at ng anak niyang si Airah sa Iloilo.
Nasa Iloilo si Tekla dahil kasama siya sa show nila Christian Bautista at Julie Anne San Jose na The Sweetheart and the Balladeer. Kasama rin sa show sina Donita Nose at ang The Clash champion na si Golden Cañedo.
Hindi napigilan ni Tekla na maiyak nang magyakapan sila ng kanyang anak na matagal na niyang ‘di nakikita. Inaamin naman ng Kapuso comedian na kapag ang anak na niya ang napag-usapan, hindi puwedeng hindi siya iiyak.
“Napakasaya ko kasi for how many years, ngayon ko lang ulit siya nakatabi pagtulog. Yakap ko siya habang nanonood kami ng mga video ko sa Youtube. Paggising ko, yakap ko kaagad siya.
“Ang sarap ng feeling pero ang bigat nung nagpapaalam na kami. Siya babalik na ng Bacolod, kami Manila na. Pero isang taon na lang makakasama ko na siya. Dito na sa Manila siya mag-aaral.
“Babawi ako! Yun naman lagi ko sinasabi sa kanya. Mahal na mahal ko anak ko. She’s my angel,” pagtatapos pa ni Tekla na masaya rin dahil sa mataas na rating na nakuha ng pilot telecast ng The Boobay And Tekla Show nila ni Boobay.
Rami, Glenn frontrunner sa Oscars
Frontrunner sina Glenn Close at Rami Malek na manalo bilang best actress at best actor sa nalalapit na Oscar Awards.
Kailan lang ay silang dalawa ang tinanghal na winners sa 25th Screen Actors Guild Awards or SAG Awards.
80% kasi of winners ng SAG ay nananalo rin sa Oscars dahil parehong industry awards ito o ang bumuboto sa mga winners ay kapwa artista nila.
Si Glenn na 45 years na sa Hollywood at nakakuha na ng six Oscar nominations (The World According To Garp, The Big Chill, The Natural, Fatal Attraction, Dangerous Liaisons, Albert Noobs) ay ang sentimental favorite na manalo ng Oscar. Panahon na rin na ibigay na sa kanya ang best actress para sa performance niya sa The Wife kung saan napanalunan na niya ang Golden Globe, Critic’s Choice at SAG.
Naging suwerte nga raw niya ay ang suot niyang wedding ring na galing pa sa yumao niyang lola na pinangarap ding maging isang artista noon.
“This here is my grandmother’s wedding ring and she wanted to be an actress and I only knew that after she died. She never would have been allowed to do that. I feel like I’m carrying the women in my family who were wonderful mothers and wives, but could have had more personal expression probably,” sey ni Close.
Ang bida naman ng TV series na Mr. Robot na si Rami Malek ay first time na ma-nominate sa Oscars for best actor at sigurado na raw ang panalo nito para sa pagganap niya sa buhay ng singer na si Freddie Mercury sa Bohemian Rhapsody.
Ang mahigpit na kalaban ni Rami sa Oscars ay si Christian Bale for Vice na nanalo na noon ng Oscar best supporting actor in 2010 for The Fighter.