Excited na si Pambansang Bae Alden Richards sa grand Christmas vacation niya. Ayon sa kanya, aalis siya with his family on December 18 at babalik sila rito ng December 28. Wala raw siyang gagawin kung hindi magpahinga, kumain, mamasyal at mag-bonding ng kanyang family.
Kaya naman bago umalis, araw-araw ang work niya. Last Monday hindi siya naka-attend ng Eat Bulaga. May TVC shoot siya ng isa niyang endorsement na umakyat pa siya ng bundok as the location. Hindi pa puwedeng sabihin kung anong product iyon. Tuesday, tinapos niya ang taping ng last episode ng Nonoy, Ang Santang Pinoy para sa 4-part Christmas presentation ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Mayroon pa siyang print shoot ng isa pa ring endorsement.
Kahapon, may show naman siya sa Cebu. Tapos na rin ang taping niya with other Kapuso stars sa Christmas Special ng GMA Network na ipalalabas bukas, Sunday, December 16.
Dahil may Christmas break din ang Eat Bulaga, nag-advanced taping na sila ng episodes. Tinapos din ni Alden ang taping ng segments niya ng Sunday PinaSaya. Makibalita na lamang tayo ng pagbabakasyon ni Alden, through his Instagram at Instagram story na tiyak na ipo-post niya para sa mga fans.
Sunshine at Angelika balik na naman sa tarayan!
Busy rin ang production staff ng GMA Network dahil sa Christmas break. Apat na shows kasi ang papasok sa 2019 kaya may mga advanced tapings na rin sila.
Nagsimula nang mag-taping ang Inagaw Na Bituin kung saan muling magsasama sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz, matapos ng mga tarayan at pisikalan nila noon sa Ika- 6 Na Utos.
Tampok ang mga young actresses na sina Therese Malvar at Kyline Alcantara na gaganap nilang mga anak. Papalit ito sa Ika-5 Utos sa Afternoon Prime ng GMA-7. Sa diresksyon ni Mark Reyes.
Sa Bacolod naman pumunta sina Carmina Villaroel, John Estrada at Glydel Mercado para sa taping ng Cara Mia na magtatampok kina Barbie Forteza at Mika dela Cruz na gaganap na kambal. Kasama rin sina Jak Roberto na muling makakatambal ang real sweetheart na si Barbie. Ipapalit ito sa Onanay sa primetime ng GMA-7 mula sa direksyon ni Albert Langitan.
Nagsimula na ring mag-taping ang teleserye na papalit sa My Special Tatay.
At sa Monday, ipapalit sa natapos na Pamilya Roces ang sinasabing highest rating Koreanovela na My Golden Life na ipinalabas sa loob ng dalawang taon sa Korea. Mapapanood ito pagkatapos ng Onanay.
Jak Em Popoy… busy na sa pagpo-promote!
Big promotion campaign naman ng Jak Em Popoy: The Puliscredibles nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin ng entry nila sa 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25. Ngayong Saturday, December 15, nasa Robinsons Galleria, Cebu City sila at 5:00 p.m. Bukas, December 16, nasa GMall of Toril Davao, Davao City sila at 5:00 pm. May kasabay din silang mall shows ng ibang cast ng movie sa Manila Mall at sa Market Market at 5:00pm.