MANILA, Philippines — Buhay na buhay ang Original Pinoy Music (OPM) ngayong 2018. Napakaraming young OPM artists ang nabigyan ng pagkakataon na i-showcase ang kanilang talent sa pagsusulat at pag-interpret ng mga kanta.
Kung noon ay ‘naghihingalo’ at kinakailangan pang ipaglaban ang OPM dahil sa pagsulpot ng napakaraming foreign artists, ngayon ay ito na ang laman ng iba’t ibang music charts sa Pilipinas.
Hindi maiiwasang mahumaling ang mga Pinoy sa international artists pero hindi rin maitatagong malaki rin ang laban ng OPM kung hugot songs ang pag-uusapan.
Katunayan, maituturing na ang OPM ang nagdala sa ilang box office movies nitong taon tulad ng Sid & Aya: Not A Love Story nina Anne Curtis at Dingdong Dantes at The Day After Valentine’s nina Bela Padilla at JC De Vera.
Narito ang top 15 OPM artists ayon sa ilang music charts na sumikat ngayong taon.
1. Juan Karlos – Kasabay ng pagsikat ng kantang Buwan ng singer-actor na si JK Labajo (Juan Karlos) ay ang kontrobersya tungkol sa kanila ni Darren Espanto na diumano, ay tinawag niyang bakla.
2. I Belong To The Zoo – Nasa Top Hits Philippines ng Spotify ang kanta nilang Sana na as of this writing ay 21, 926,044 beses nang pinapakinggan sa nasabing music streaming platform.
3. Ben&Ben – Ang Ben&Ben ay fast-rising Folk-Pop band na mula sa Manila na kinababaliwan ng millennials. Pinakasikat na kanta nila ngayon ang Maybe the Nights at Kathang Isip.
3. UNIQUE – Gumagawa ngayon ng ingay ang dating vocalist ng IV of Spades na si Unique Salonga. Tinugtog na ni Unique ang bago niyang single na Midnight Sky sa ASAP Chillout.
4. This Band – Umabot na sa 994,473 ang monthly listeners ng This Band na isang alternative pop/rock band. Ang debut single nilang Kahit Ayaw Mo Na ay siya ring OST ng pelikula (with the same title) na pagbibidahan nina Empress Schuck, Kristel Fulgar, at Andrea Brillantes.
5. December Avenue – Sa Ngalan Ng Pag-Ibig
7. Kyla and Kritiko – Kabanata
8. JM de Guzman – Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong
9. IV of Spades – Bata, Dahan-Dahan, Mundo
10. Khel Pangilinan – Weak
11. Janine Teñoso – Sugarol
12. Janine Berdin – Mas Mabuti Pa
13. Marion – Akala
14. Callalily – Ex
15. Inigo Pascual – Lumang Tugtugin