Arestado Keanna nayari sa cyber libel!
Na-sampulan ng cyber libel ang starlet na si Keanna Reeves.
Kahapon ay inaresto siya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) paglabas niya nang tinitirhan condo.
Ayon sa mga report, nireklamo ang komedyana ring si Keanna ng isang owner ng bar matapos niyang okray-okrayin sa social media.
Nung weekend lang ay nagparamdam si Keanna nang mapanood siya sa pagbubukas ng Pinoy Big Brother: Otso bilang dati siyang winner ng reality show ng ABS-CBN.
‘Yun pala may warrant of arrest na siya.
Siguro naman matatakot dito ang ibang mga malalakas ang loob na mang-okray sa social media. ‘Yung tipong wawasakin ang pagkatao mo tulad nang ginagawa sa maraming artista na kinakawawa nila pag ayaw nila o may pinu-push silang iba.
Meron namang ibang mga paid troll na siyang naninira at naka-private ang account pag nag-check ka. So ayan, may katapat na sila.
- Latest