Ang 7th birthday party ni Nate Alcasid noong Saturday sa Jollibee.
Endorser ng Jollibee si Nate at ang nanay niyang si Regine Velasquez-Alcasid.
Bata pa lang si Nate ay favorite na niya ang Jollibee. Sobrang happy ni Nate sa birthday party niya na ‘yon.
Habang lumalaki, lalong nagiging mabait na bata si Nate.
Si Regine mismo ang nagkukuwento na sobrang sweet ng anak nila ni Ogie Alcasid.
Hindi raw nila ini-spoil si Nate at okey lang naman daw ‘yon sa bata.
Na-touch nga pala si Regine nang mangako si Nate sa kanya na forever niya itong mamahalin at mag-i-I love you kahit malaki na ito!
Aiko sa Japan magpapa-putok
Kahapon ay magkapalitan kami ng private message ni Aiko Melendez sa Facebook.
Sabi ni Aiko, baka after Christmas na lang siya aalis dahil sa Metro Manila Film Festival 2018 movie entry nga nila na Rainbow Sunset.
Noong una raw, plano na niyang umalis pa-Japan bago pa man ang birthday niya sa December 16, pero maiiba na nga raw ‘yon.
Malamang din daw na hanggang after New Year na sila sa Japan.
Martin walang tigil sa pagtatrabaho
Araw-araw ang trabaho ni Martin Nievera simula nang bumalik siya ng bansa last week.
Wala itong reklamo kahit pagod siya palagi.
Thankful ang Concert King na hanggang ngayon ay marami pa rin siyang projects.
Aalis nga uli si Martin pa-Europe para sa ilang commitments doon.
Patuloy pa rin ang LSS (Long Story Short): The Martin Nievera Show niya sa ANC at marami na siyang advance episodes na nai-tape.
Very soon ay mapapanood ang guesting ni Pops Fernandez sa show na ‘yon ni Martin!
Janice matalas ang memorya
Kamakailan ay nakasalubong namin nina Jeron at Jeric Teng si Janice de Belen sa entrance/exit ng ABS-CBN.
Paalis na si Janice nang ipakilala ko sa kanya ang magkapatid na PBA (Philippine Basketball Association) players.
Very retentive ang memory ni Janice dahil naalala pa niya na nai-guest na nila noon sa Buzz ng Bayan sina Jeron at Jeric.
Raymond busy sa California
Ang araw-araw na pagiging busy ni Raymond Gutierrez sa Los Angeles, California para sa E! special na Road to The People’s Choice Awards.
As you read this, kasalukuyang ginaganap sa Amerika ang event na ‘yon.
Sobrang excited si Raymond sa mga trabahong ginagawa niya para sa E!
Uuwi naman daw siya bago mag-Christmas, pero kung may ibang opportunity na darating sa kanya sa Amerika ay puwede naman daw siyang mag-extend pa roon.