Lara ayaw mag-yaya!

Lara Quigaman-Alcaraz

MANILA, Philippines — Nag-launched ang Flying High Productions noong Sabado ng anim na advocacy films mula sa direksyon ni Errol Ropero - The Prince of Music, My Music Hero Teacher, Mga Munting Pangarap, Science En Marsha, A Walk To Remember at Sarah and Cedie.

Layunin ng mga pelikulang ito na mapanood ng maraming studyante sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at makapagbigay inspirasyon sa bawat bata.

Sa pelikulang Sarah and Cedie, gaganap si Miss International 2005 Lara Quigaman-Alcaraz bilang ina nina Sarah at Cedie na gagampanan ng Akhtar siblings. Kasama rin niya ang asawang si Marco Alcaraz sa nasabing pelikula.

“We’ve always wanted to work together, so kapag may ganyang opportunity tapos kasama ko naman siya, alam kong hindi ako mahihirapan which is why we took the offer. So, excited ako to work with Marco,” ani Lara nang makasama niyang muli sa iisang proyekto ang asawa.

Kapapanganak lang ni Lara sa pangalawang anak nila na si Tobias Nolan at ayon sa kanya, wala raw siyang kasamang alalay o yaya kaya naman medyo mahirap ito para sa kanya.

Pagkatapos niyang mag-appear sa seryeng Halik bilang nanay ni Yen Santos, napagdesisyunan na raw muna niyang magpahinga at maging stay-at-home mom.

Bata pa ang hitsura ni Lara pero palagi na siyang nasasabak sa mga nanay roles.

“Ako po talaga hindi ako masyadong mapili at maarte sa proyekto, basta maganda kong magagawa.

“Alam niyo po, lagi nga akong tinatanong. Sabi ko, ganun naman ‘yung artista eh, kapag alam mo na kaya mong gampanan yung role mo, tatanggapin mo. And natutuwa naman ako kasi pag nakikita ako ng mga tao in person, sinasabi nila, ang bata mo pa pala? Bakit nanay ka na ni Yen Santos?

“Pero nako-convince naman sila na bagay kaming mag-nanay ni Yen. Magkamukha din naman kami ni Yen ‘di ba?” paliwanag ni Lara.

Tampok rin sa anim na pelikula sina Alma Concepcion, Jao Mapa, Valerie Concepcion, Charee Pineda, Christian Vasquez, Pinky Amador at marami pang iba.                         

Show comments