Sayang, muntik na, 1st runner up ang Miss Philippines International na si Ahtisa Manalo sa ginanap na Miss International 2018 kahapon.
Ang Miss Indonesia na si Kevin Lilliana ang nilapatan ng korona ni Miss Venezuela Mariem Velazco sa ginanap na coronation sa Tokyo, Japan.
As usual tinutukan ng mga Pinoy ang nangyaring coronation kahapon sa social media.
In all fairness, ang lakas ng dating ni Ahtisa, 21 years old from Quezon, nang rumampa siya sa na naka-costume suot ang iba’t ibang kulay ng dress with feather details at may hawak na pamaypay.
Seventy seven ang naglaban-laban na kandidata sa ginanap na Miss International.
Masaklap ang naging experience ni Mariel de Leon sa Miss International last year dahil bago pa man ginanap ang coronation dahil sa pagko-comment niya sa iba’t ibang issue noon.
Si Kylie Versoza naman ang kinoronahan 2016 Miss International.
“If I become Miss International, I would continue being the voice of the youth in showing that nothing is impossible with hard work and determination. And with these beautiful ladies with me tonight, a family of beauty queens who are all beautiful young dreamers and achievers, we will show the world that it is love, peace, and beauty that we truly care about. And together, we shall make a difference,” bahagi ng speech ni Ahtisa.
Nang-harass daw sa Miss Earth candidates, pumiyok na
Gosh nakakaloka naman ang hitsura ng sponsor na nagngangalang Mr. Amado S. Cruz na umano’y nang-harass sa ilang kandidata ng Miss Earth sa kumalat na photos niya kahapon kasama ang ilang Miss Earth candidates. Medyo may edad na nga si Kuya na itinanggi na ang akusasyon ng tatlong Miss Earth candidates – Miss Canada Jaime VandenBerg na sinundan nina Miss Guam Emma Mae Sheedy and Miss England Abbey-Anne Gyles-Brown – sa interview ni Mario Dumaual ng ABS-CBN kahapon.
Tumutulong lang daw siya sa Miss Earth para mai-promote ang tourism ng bansa.
So ituloy kaya ng tatlong kandidata ang mga reklamo nila?