^

Pang Movies

Kanta sa love scene nina Angelica at Carlo, marami ang na-LSS

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Inulan ng tanong si Direk Dan Villegas sa fans kung anong kanta ang ginamit nito sa love scene nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa pelikula nilang Exes Baggage. Napaka-catchy kasi ng tono nito na kinanta ng banda ni Ashley Gosiengfiao na Midnight Meetings, titled All Tonight.

Marami ang naka-relate sa nasabing pelikula ng CarGel, posible kasing nangyayari o mangyari ito sa reality.

Sa totoong buhay din ay totoong mag-ex sina Angelica at Carlo kaya mas lalong nagmukhang makatotohanan ang pelikula. Naging magkaibigan ulit ang dalawa nang magkita at magka-bonding pagkatapos ng mahabang panahon.

Wala naman daw silang samaan ng loob kaya naman inamin ng dalawa na mas naging close na raw sila ngayon kesa dati.

Umaasa tuloy ang fans na sana ay magkabalikan na sila ng tuluyan.

Samantala, lahat ng ginamit sa OST ng Exes… ay talaga namang panalo at mapapaiyak ka. Nagre-request tuloy ang fans ng part 2 dahil sa ganda ng istorya.

vuukle comment

LSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with