Hanggang ngayon ay tinatanong pa rin si John Roa ng mga tao kung bakit kumalas siya sa grupong Ex Battallion.
Wala namang bad blood sa pagitan ni John at ng Ex-B, nagkataon lang daw na mas gusto pa niyang gumawa ng ibang klase ng music.
Mas gusto nitong mag-explore ng sarili niyang music gaya ng mga kanta na pinasisikat nito ngayon tulad ng Taguan. Gusto lang daw niyang sundin ang sariling hilig pagdating sa pagsusulat ng kanta.
Ayon kay John, tumatanaw pa rin siya ng utang na loob hanggang ngayon sa dating grupo na kinabilangan. Dahil daw sa kanila ay mas marami siyang natutunan at naibahaging magandang musika na tumatak sa listener.
Ayon pa sa kanya, mas nauna siyang nahasa sa pagsusulat ng kantang ingles kesa tagalog, sa Ex-B lang niya natutunan ang paggawa ng kantang Tagalog.
Hindi naging madali sa kanya ang mag-solo dahil noong una ay naninibago pa siya sa tuwing tatapak sa stage nang walang kasama.
Hindi naman siya nagsisisi sa ginawang desisyon dahil sinunod lang daw niya ang gusto ng kanyang puso.