Iisa ang ex, Yassi gustong makasama si Maine!

Yassi Pressman


MANILA, Philippines — Nahirapang sagutin ni Yassi Pressman ang tanong kung ano ba ang dapat sana niyang ginawa noong mga panahong broken hearted pa siya? Ayon sa kanya hindi pa raw niya kasi nama-master ang pagmo-move on at kung paano hindi masaktan dahil parte talaga ‘yun ng buhay.

Tampok ngayon si Yassi sa pelikulang Para Sa Broken Hearted na hango sa best-selling book ni Marcelo Santos III at idinirek naman ni Digo Ricio.

Gumaganap si Yassi sa nasabing pelikula bilang Shalee na ayon sa kanya ay minahal niya ng todo ang karakter.

“Si Shalee, brave po siyang babae, alam niya kung ano ang gusto niya pero magkaiba po kasi kami. Kasi iba yung sitwasyon niya sa life eh, hindi ko po kasi masyadong ma-explain yung character ko, kasi secret pa pero love na love ko siya. Parehas lang siguro kami na gusto lang laging happy.”

Samantala, nang tanungin naman siya tungkol sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na hanggang ngayon ay napapanood siya kung sino ang iba pa niyang gustong makasama na artista, ang sagot niya ay si Maine Mendoza.

“’yung pinakahuli nga pong sinabi nila like si Maine, excited po akong makasama kahit sinong artista, hindi ko po alam kung nakita na po yung pinakabago naming mga characters, every month or two months, maraming pumapasok. It’s always a new experience for us na madagdagan yung pamilya namin.”

Ayon pa sa kanya, na-meet niya na raw si Maine noon sa Eat Bulaga, kinausap niya raw si Alden Richards dahil gusto niyang makapagpa-picture rito pero nang makita niya na ito ay hindi na natuloy dahil na-starstruck daw siya.

Matatandaang si Maine ay na-link noon kay Sef Cadayona na ex-boyfriend naman ni Yassi.

Ang Para Sa Broken Hearted ay showing na in theaters nationwide sa October 3.

Show comments