^

Pang Movies

Pepe napaiyak sa tawanan sa kanila ni Ritz

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Pepe napaiyak sa tawanan sa kanila ni Ritz
Ritz & Pepe

Napuno ng halakhakan ang celebrity screening ng hilarious movie ng Regal Films na The Hopeful Romantic sa Trinoma Cinema 5 last Monday evening.

Ibang klase naman ng comedy ang ipinakita ng bidang si Pepe Herrera at napaka-sexy naman ni Ritz Azul na iba rin ang atake sa pagpapatawa, na may kasama ring drama at hugot lines.

Kaya naman overwhelmed si Pepe pagkatapos ng screening at nakausap ng media ang mga kasama sa cast, at napansin na umiyak ang actor.

Pero sagot niya “hindi po naman ako umiyak, masaya lamang ako, hindi ko in-expect na ganoon ang magiging reaction ng mga tao habang nanonood. Narinig ko ang tawanan nila, ang comments nila at may mga naghahampasan pa sa tuwa, nakakataba po ng puso.”

Parehong first mainstream movie ito nina Ritz at Pepe kaya masayang-masaya sila. First romantic-comedy movie naman ito ni Direk Topel Lee na most of his projects ay horror movies. Biro tuloy sa kanya, “isa pa!”.

Kahit nga sina Ritz at Pepe nang tanungin kung gusto pa nila na muling magtambal sa susunod na movie, okey agad sila, kasi raw na-enjoy din nila ang masayang samahan habang nagsu-shooting.

May mga nag-comment din na ngayon daw lamang nila nalamang ganun kaganda ang MacArthur Suite ng Manila Hotel na ginamit sa movie. Sosyal daw ang Regal Films at nagamit nila ang suite at mga amenities nito. Sinasabi kasing ang MacArthur Suite ay ipinangalan kay General Douglas MacArthur nang nandito siya during the Commonwealth Government in the Philippines.

Showing na starting today, September 12, ang The Hopeful Romantic in cinemas nationwide.

Marian sasamahan si Dingdong sa pagtakbo

“Confirmed tatakbo si Dong! Sa #Happiest5k,” post ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram.

“Aba syempre ako din, kaya sign up now at www.runrio.co Who’s gonna run with us? #TheColorRunPh.”

Ang tinutukoy pala ni Marian na tatakbo ang asawang si Dingdong Dantes ay sa #TheColorRunPhilippines na The Color Run Hero Tour na magaganap sa November 11, 2018, in support sa I Am Super Campaign kung saan isa rito na sumusuporta ay ang GMA Network.

Hindi pa rin nagsasalita si Dingdong kung ano talaga ang balak niya, kahit si Marian ay hindi naman makapagsalita, hahayaan daw niya ang asawang magsalita kung ano talaga ang plano nito, tagasuporta lamang siya.

Puwede rin kasing nag-iisip pa si Dingdong dahil nagsimula na silang mag-taping ni Dennis Trillo ng Cain at Abel na wala pa namang date of airing ang GMA 7. Mayroon din siyang movie sa coming Metro Manila Film Festival sa December.  Sa October 3 na ang pagpa-file ng candidacy ng mga gustong tumakbo sa 2019 elections at hindi na sila pwedeng mapanood sa TV or movie kapag pumasok na ang date ng election campaign.

vuukle comment

RITZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with