Matagumpay na idinaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang Star Awards For Music: A Decade Of OPM Excellence kagabi sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.
Bilang pagdiriwang sa isang dekadang pagbibigay-halaga sa industriya ng musika, sabay na pinarangalan ng PMPC ang 9th (2017) at 10th (2018) Star Awards For Music. Dahil ito ay selebrasyon ng sampung taong pagbibigay-pugay sa mga natatanging alagad ng musika, naging mabituin ang gabi ng parangal na pinaningning ng mga naglalakihang bituin sa industriya tulad nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Basil Valdez, Imelda Papin, Freddie Aguilar at marami pang iba.
Mula sa hosts na sina Kim Chiu, Xian Lim, Christian Bautista, Aljur Abrenica at Karylle, pinasigla ng magkahalong awitin at sayawan ang entablado ng mga guest performers na sina: Ang Huling El Bimbo cast Tanya Manalang, Reb Atadero, Topper Fabregas, Boo Gabunada, Inigo Pascual, Gloc 9, at naghandog naman ng compilation revival medley sina Brenan Espartinez, Laarni Lozada, Renz Verano, Jojo Mendrez at Sabrina.
Umapoy ang dance floor sa sing and dance production number ng Hashtag, si James Reid ay nakipagsabayan sa PHD Dancers at humataw sa dance exhibition si Regine Tolentino kasama ang kanyang dancers.
Ang grupong Ex Battalion, kasama sina Neil Perez, Ion Perez, Sachzna at Chicser ay nagpasikat; gayundin ang The Company.
Medley of songs naman ang kinamada ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa, habang love song naman ang inihandog ni Concert King Martin Nievera sa kanyang spot number.
Para sa tribute sa dating member ng Hotdog na si Rene Garcia, na sumakabilang-buhay na, nag-alay ng Hotdog/VST & Company medley sina Clique 5, John Roa, JV Decena, Joaquin Garcia, Nick Vera Perez at Allen Cecilio.
Bilang pagpaparangal naman kina Feddie Aguilar (2018 Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Awardee), Imelda Papin (2017 Pilita Corrales Lifetime Achievement Awardee) at Basil Valdez (2018 Pilita Corrales Lifetime Achievement Awardee), nagbigay-pugay sa kanila sina Kris Lawrence, Morisette Amon at Jed Madela sa mga awiting pinasikat ng tatlo, ang Anak, Isang Linggong Pag-ibig at Ngayon At Kailanman.
At para sa 2018 Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Awardee na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, nagbigay-tribute sina Martin Nievera, Christian Bautista at Erik Santos para sa mga awiting Narito, Could You Be Mesiah, The Warrior Is A Child, Take Me Out Of The Dark at Sana Maulit Muli,
Mapapanood ang kabuuan ng show sa ika-23 ng Setyembre, 2018, sa ABS-CBN’s Sunday’s Best, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.
Narito ang ilang pang mga nagwagi:
9th Star Awards For Music (2017) Song of the Year • Dahil Sa’yo - Inigo Pascual; Male Recording Artist of the Year • Martin Nievera - Kahapon... Ngayon; Female Recording Artist of the Year • Angeline Quinto ; Album of the Year, Pop Album of the Year at Pop Artist of the Year • Say It Again – Alden Richards ; Concert of the Year • Birit Queens - Star Events and ABS-CBN Events.
Para naman sa 10th Star Awards For Music (2018), narito ang mga nanalo:
Song of the Year • Hayaan Mo Sila - Ex Battalion Male Recording Artist of the Year • Christian Bautista – Kapit; Female Recording Artist of the Year at Album of the Year • Moira Dela Torre – Malaya; Concert of the Year • #PaMore – Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos, and Regine Velasquez; Male Concert Performer of the Year • Jed Madela – All About Love; Female Concert Performer of the Year • Morisette – Morisette Is Made ; Music Video of the Year • Follow My Lead -- Ex Battalion/Director --Titus Cee; New Male Recording Artist of the Year • JC Santos - Puwede Naman ; New Female Recording Artist of the Year • Kyline Alcantara - Sundo and Rayantha Leigh - Laging Ikaw; Pop Album of the Year • Palm Dreams – James Reid; Male Pop Artist of the Year • James Reid – Cool Down and Xian Lim – Download; Female Pop Artist of the Year • Kim Chiu– Okay Na Ako; Acoustic Album of the Year • Biyahe Pa Rin – Noel Cabangon; Male Acoustic Artist of the Year • Migz Haleco - Bes; Female Acoustic Artist of the Year • Jingle Buena – Shadows Can’t Fly; Compilation Album of the Year • Sana May Forever... The Love Album - Various Artists; Dance Album of the Year • Moving To The Music - Regine Tolentino at Duo/Group Artist of the Year • The Company - Lovely Day;