Jem kinabibiliban sa style

Jem

Sa lahat ng naging official sound track ng movie na Sid and Aya (Not a Love Story) ang single na When I See ni Jem Cubil ang isa sa pinakapinakikinggan hanggang ngayon.

Marami ang nai-in love sa unique na hagod ng single na parang folk song ang dating.

Dapat ipakilala at pasikatin pa nang husto si Jem na talented na lalong gu­magaling kaya hinahangaan pa lalo ng kanyang followers.

Ang sarap pakinggan ng boses ni Jem  na sinabayan pa ng swabe niyang pagtugtog ng gitara. Ang husay ng interpretation nito sa modern acoustic na pinaghalong alternative-pop na nagpapakilig at nakaka-proud nitong kanta na isa sa best Pinoy original soundtracks hanggang ngayon.

Show comments