^

Pang Movies

Louise pinagsigawang ‘the best’ ang pinalit sa mga ex

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Louise pinagsigawang �the best� ang pinalit sa mga ex

Walang binatbat sa non-showbiz boyfriend ngayon ng dating Kapuso star na si Louise de los Reyes ang kinalasan niyang showbiz boyfriend na sina Enzo Pineda at band vocalist na si Liu Pio.

Aba, sa nakaraang birthday party ni Louise, ang non-showbiz BF niya ang katuwang sa pag-aayos ng venue mula sa pamimili ng kailangang gamit sa Divisoria hanggang sa pag-aayos nito sa venue, huh!

Bilang sukli sa tulong ng boyfriend, naglabas ng madamdaming mensahe si Louise upang ipagsigawan na, “You are the best boyfriend!”

Nitong nakaraang September 1 ang 26th birthday ng dating Kapuso discovery.

Paulo pinalagan ang tanong sa pagpatol sa bakla

 Hindi nagpatinag si Paulo Avelino sa isang bastos na netizen na may username na @Atty. RafaelFerrer sa Twitter na nagtanong ng, “Nagpapatira ka sa bakla?” May pa-Ask Goyo kahapon sa Twitter bilang dagdag na promos­yon niya sa movie niyang Goyo: Ang Batang Heneral.

Tugon ni Paulo sa netizen, “Hanggang twitter lang yang tapang mo totoy. Sabihin mo yan ng harapan sa akin. Duwag!”

Ipinagpatuloy ng lead actor ng movie ang pagsagot sa matitinong tanong ng followers.

Sa tanong sa kanya kung sino pa ang puwedeng lumabas bilang Goyo, si Daniel Padilla ang sagot niya at ‘yung lalabas na isa sa girlfriends niya, si Kathryn Bernardo ang choice niya.

Sa totoo lang, umaasa ang producers ng pelikula na magiging phenomenal ang success ng Goyo gaya ng prinodyus nilang Heneral Luna. May mga pahaging sa resulta nito sa takilya sa mga unang screenings pero mas gusto naming sa iba na lang manggaling ang resulta.

Take note, bago ang showing ng movie ni Paulo, dalawang malakas na local films ang pinilahan sa takilya - ang Miss Granny ni Sarah Geronimo at The Hows Of Us ng KathNiel.

 

vuukle comment

LOUISE DE LOS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with