^

Pang Movies

Gabbi susubukan kay Ryle

Veronica Samio - Pang-masa
Gabbi susubukan kay Ryle
Ryle Santiago


MANILA, Philippines — May bagong leading man na si Gabbi Garcia after maunsyami ang loveteam nila ni Ruru Madrid at hindi paabutin ng buhay ang karakter niya hanggang sa pagtatapos ng serye ng GMA na Sherlock Jr. Siya si Ryle Santiago na sa murang gulang ay napapansin na ang magandang pangangatawan na nabigyan ng inspirasyon ni Aljur Abrenica.

Kasama ni Ryle si Aljur sa serye ng ABS-CBN na Asintado.

Isa rin si Ryle sa mga kabataang bida sa entry ng T-Rex Entertainment para sa Pista ng Pelikulang Pilipino na Bakwit Boys na magaganap Agosto 15 hanggang 21 sa direksyon ni Jason Paul Laxamana. Graded A ito ng CEB. Mukhang nagustuhan ng T-Rex ang kanyang trabaho kung kaya may kasunod agad siyang pelikula, ang Billie and Emma na pagbibidahan ni Gabbi at Ryle.

Liza nagpaliwanag sa tapatang PPP at Cinemalaya

Sinabi ni Film Development Council of the Philippines Chairman Liza Diño Seguerra at tagapagtaguyod din ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na hindi nila tinatapatan o kinukumpitensya ang Cinemalaya.

Layunin lang nila na papagkitain ang mga local filmmaker na lalahok sa Pista sa isang buong linggong pagpapalabas ng mga pelikula nila nang walang kasabay na foreign films.

Ipinagmamalaki ni Chairman Liza na magagandang lahat ang walong pelikula na napili nilang mapanood sa August 15-21: Ang Babaeng Allergic sa WiFi, Jun Lana, director; The Day After Valentines, Jason Paul Laxamana; Unli Life, Miko Livelo; Bakwit Boys, Jason Paul Laxamana; Madilim ang Gabi, Adolf Alix. Jr.; Pinay Beauty, Jay Abello; Signal Rock, Chito Rono; We Will Not Die Tonight, Richard Somes.

Kean rumaraket na ring talent manager

Bukod sa pagkanta, nagma-manage na rin ng talents si Kean Cipriano. Dati siyang manager ng grupong lV of Spades. Ngayon ay ang dating soloista ng grupo na nagngangalang Unique (Salonga) ang tatangkain niyang maipakilala at mapasikat katulad ng kanyang pangalan. Gugustuhin ng frontman ng grupong Callalily na maiba-iba ang tunog at hindi nakakahon si Unique. Marami ang siguradong magagandahan sa unang single nito na lumabas at pi­­na­­magatang Midnight Sky. Magiging bahagi ito ng unang album ng bagong recording artist. Magsisimula si Unique ng kanyang Grandma Tour sa September 29 sa Kia Theater. Ewan lang kung nagpi-perform si Unique ng naka-paa. Ito ang trademark na gusto niya na makilala siya.

Aleck Bovick, tumatanggap na ng lola role

Isang inang nagpakasakit para mapangalagaan ang tatlong anak sa tangkang pagkuha dito ng kanilang ama ang tampok sa episode bukas sa Maalaala Mo Kaya (MMK). Sa kakapusan niya ng pera laban sa kita ng asawang OFW, nakulong ang ina sa salang child abuse. Ma­tagumpay namang nakuha ng ina ang full custody ng kanyang mga anak na inaruga ng kanyang ina in her absence.

Sina Beauty Gonzales at James Blanco ang gaganap ng mga magulang habang lola naman si Aleck Bovick. Si Ruel Naval ang direktor ng kuwento na isinulat ni Arah Jell G. Badayos.                                                       

RYLE SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with