Mackie type ring umakting
MANILA, Philippines — Hinahangaan ang bagets singer na si Mackie Empuerto ng TNT Boys dahil siya mismo ang nagkokontrol na huwag kumain ng matatamis gaya ng chocolate o mamantika. Madali raw kasi siyang mamaos kaya wala siyang hilig kumain ng ice cream o softdrinks.
Gaya rin nina Kiefier Sanchez at Francis Concepcion, tuloy din ang schooling ni Mackie na nasa grade seven na.
Gusto raw niyang maging teacher balang araw.
Hindi lang pagkanta ang hilig ni Mackie kundi magaling din siya sa dancing at acting na idinadaan nito sa performance nila sa Your Face Sounds Familar.
Gusto niyang umarte at maging artista kung mabibigyan ng pagkakataon. Paborito niyang singer si Beyonce at Bruno Mars.
Miss na miss na ni Mackie lumabas mag-isa tuland nung panahong wala pa siyang maraming trabaho at ‘di pa nakikilala sa TNT.
- Latest