Julia nagka-award sa pagtuturo sa Sabah

Julia Clarete

Marami pa ring fans ang nakaka-miss sa Eat Bulaga Dabarkads na si Julia Clarete na tahimik na ang buhay sa bansang Malaysia.

Tahimik na kinasal si Julia sa kanyang Irish boyfriend na si Gareth McGeown noong July 2017.

Nagdesisyon si Julia na iwan ang career niya dito sa Pilipinas para makasama ang anak at asawa sa ibang bansa.

Sa Instagram account ni Julia, updated ito sa kanyang mga followers at makikita namang maayos ang domesticated na buhay niya roon.

Marunong nang magsalita ng Malay si Julia at pinag-aaralan naman niya ngayon ang magsalita ng French.

Nakakasama niya roon ang maraming Pinoy fans na may iba’t ibang trabaho sa Malaysia.

Si Julia rin mismo ang pumupunta sa grocery at namamalengke kasama ang kanyang anak. Makikita na enjoy siya sa simpleng buhay at hindi siya mina-mob ng mga fans.

Wala rin daw kasambahay si Julia sa Malaysia at siya ang naglilinis ng bahay at nagluluto ng mga kakainin nilang pamilya.

Kelan lang ay ginawaran ng parangal si Julia ng Philippine Embassy in Malaysia dahil sa kanyang “Invaluable support to the Alternative Learning Initiative for Filipino children in Sabah.”

 Kylie nagpapaturong maging nanay kay mariel

Nagbabalik na sa pag-arte ulit si Kylie Padilla at siya ang bagong cast member ng GMA 7 primetime teleserye na The Cure.

One year ang six months ding nabakasyon si Kylie mula sa pag-arte dahil naging priority niya ang anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin. Huling show ni Kylie ay ang Encantadia.

Ngayon at physically ready na si Kylie, ready na siyang magtrabaho ulit sa TV.

“I miss doing action. I dunno what it is about getting pregnant pero you really wanna punch a wall kasi naka-steady ka lang ‘pag buntis,” tawa pa niya.

Maaksyon nga raw ang magiging role niya sa The Cure kaya bago siya isalang ay todo workout muna si Kylie para makayanan niya ang physical demands ng teleserye.

Pero kahit na bumalik na sa acting si Kylie, monitored pa rin niya ang kanyang anak.

“Hands-on mom kasi ako for a long time, kaya nakakapanibago na babalik ako sa work na hindi ko kasama ang anak ko.

“Kaya kahit may work, every hour, tsine-check ko siya. Kung ano ba ang mga ginagawa niya, kung kumakain na ba siya, mga gano’n,” diin ni Kylie.

Inamin ni Kylie na naging malaking tulong sa kanyang pagiging ina ay ang kanyang Tita Mariel Rodriguez. Ito raw ang parating nagga-guide sa kanya sa pagiging first-time mother niya.

 Atletang si Cristiano Ronaldo, sinentensyahan sa tax evasion

Pinatawan ng sentensya na two-year suspended prison at multa na £16 million fine (or $21,060,944.00) for tax evasion in Spain ang celebrity athlete na si Cristiano Ronaldo.

Noong June 2017, inakusahan ng Spanish prosecutors ang world famous Spanish football player na si Ronaldo of defrauding tax authorities na nagkakahalaga ng €14.8million ($17,138,252.00).

Hindi naman itinanggi ni Ronaldo ang mga charges sa kanya dahil ang gusto niyang kapalit ay reduced penalty.

Dahil wala namang previous convictions si Ronaldo, hindi siya magse-serve ng time sa loob ng presinto.

Inamin ni Ronaldo ang apat na tax offenses niya na umabot sa €14.7million. Pero dahil sa reduced penalty, ang babayaran na lang niya ay €5.7 million ($6,600,543.00)

Ang natitirang pang €19million ($22,001,810.00) na babayaran ni Ronaldo sa Spanish government ay kabahagi ng mga interest and fines.

Hinirang na “the best player in the world” si Ronaldo at pipirma siya sa naging agreement with his case pagkatapos ng kanyang laban sa World Cup in Russia.

Naglalaro si Ronaldo ngayon with the national football team ng Portugal.

Show comments