Di kinaya ang mga trabaho magaling na direktor, sumuko sa trabaho!

Bumitaw na raw ang isang magaling na direktor sa malaking movie na maglu-launch sa isang artistang medyo may pangalan na.

Hindi kinaya ng direktor ang sistema sa production company dahil sa tuwing mag-i-schedule siya ng shooting eh, laging bulilyaso dahil may ginagawang trabaho ang lead star.

Ilang taon nang urong-sulong ang paggawa sa movie. Kumbaga, lumalabas na hindi priority ng production ang launching ng artista. Eh, may ginagawa ring pelikula ang direktor at sa nasabing production, hindi siya pinahirapan ng mga artistang kinuha.

No wonder, sumiklab na ang galit ni direk Jun Lana sa mga artistang walang malasakit sa paggawa ng movie. Ginagawa lang nilang raket ang magpelikula at mas binibigyang halaga ang mga raket gaya ng out of town performance, ribbon cutting at kung anu-ano pang maiksing oras lang ang kinukuha sa mga artista pero agad-agad ang bayad sa kanila, huh!

Naku, hindi lang siguro madiktahan ng kumpanya ang director na bilisan ang pagtatapos ng movie ng baguhan kaya ginigipit na rin siya para umayaw, huh!

Bulalas ng direktor, ipadirek na lang ito sa resident director ng film outfit dahil kayang-kaya nilang brasuhin ito para madaliin ang pagtatapos ng movie, huh!

Sharon at Alex, ?mag-beshie na agad sa kalokohan?!

Beshie-beshie na agad sina Sharon Cuneta at Alex Gonzaga sa unang meeting nila. Palitan agad sila ng comments sa pinost na photo ni Alex na magkasama sila ni Shawie.

“Never in my wildest dreams did I imagine that someone like Ms. Sharon Cuneta would know me and more so mind me. She even asked me to write a little dedication on her copies of my books.

“Despite all your achievements. Ms. Sharon you are truly blessed with a good heart. Thank you and I hope you continue to inspire us, aspiring Megastars, to become like you someday!

“Naging friendship lang si Ms. Sharon English na agad ang caption eh,” caption ni Alex.

Lingid sa kaalaman ni Alex, napasaya niya ng ilang beses si Shawie. “You brought laughter to me so many times in the past when I needed the most. Di mo lam yun, no? Luv u and looking forward to spending more time with you. Love u Toni and your parents too. God bless you always my new “beshie,” bahagi ng komento ni Sharon.

Biro naman ni Alex sa Ate Toni (Gonzaga-Soriano) niya, “Sharonian nako di nako tonisters tin!”

 

Show comments