^

Pang Movies

Sheryl nag-aambisyong palitan si Erap?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kailangan na talaga na magkita kami ng new BFF ko na si Norma Lim dahil gusto kong malaman ang reaksyon niya sa balita na kakandidato na konsehal sa 2nd District ng Maynila si Sheryl Cruz, ang nanay ni Julie Anne San Jose sa My Guitar Princess ng GMA 7.

Si Mama Norma ang businesswoman na nagbigay noon kay Sheryl ng negosyo pero nagkasira sila dahil sa mga pahayag ng aktres laban sa kanyang pinsan na si Senator Grace Poe nang kumandidato itong pangulo ng bansa noong 2016.

Mas pinili ni Mama Norma ang matagal nang friendship nila ni Susan Roces. Na-offend siya sa sinabi ni Sheryl na hindi qualified si Grace Poe na maging presidente ng Pilipinas.

Lumalabas na may political ambition din pala si Sheryl dahil feel na feel na ang presence niya sa Tondo dahil dito nagmula ang kanyang ama, si Ricky Belmonte na sumakabilang-buhay noong October 3, 2001.

At ngayon, ginagamit ni Sheryl ang pagiging Cruz para sa kanyang plano na kumandidato sa eleksyon sa susunod na taon.

May tsismis na type ni Sheryl na mapabilang sa partido ni Manila City Mayor Joseph Estrada. Hindi malayo na i-adopt ni Papa Erap si Sheryl dahil pamangkin ito ni Susan Roces na asawa ng kanyang BFF, si Fernando Poe, Jr.

Pero wait, huwag tayong magpakasi­gu­rado dahil baka isaalang-alang din ni Papa Erap ang pakiramdam ni Manang Inday na nasaktan din noon sa mga pahayag ni She­ryl laban sa kanyang anak na si Grace Poe.

Lahat ng signs nasa kanya aktres psychopath!

Naloka ang aktres nang mabasa nito ang article tungkol sa walong symptoms ng mga tao na psychopath.

Shocked ang aktres dahil taglay ng isang aktres na kaibigan niya ang lahat ng sintomas ng pagiging psychopath.

Naiintindihan na ngayon ng aktres ang unpredic­table behavior ng kanyang BFF na inakala niya na bipolar.

Iniisip na ngayon ng aktres na dahan-dahan nang layuan ang kaibigan na habang tumatagal, lalong lumalala ang pag-uugali.

Ayaw na ng aktres ng mga stress at negativity dahil nadadamay rin siya sa mga kagagahan ng kanyang BFF kaya gusto na niya ng tahimik na pamumuhay.

Jinggoy maibabakasyon na ang mga anak sa US

Pinayagan ng Sandiganbayan na makabiyahe sa Amerika si former Senator Jinggoy Estrada mula April 30 hanggang May 30, 2018.

Tinututulan ng prosecution ang pag-alis ni Jing­goy sa bansa pero naglabas na ng desisyon ang 5th Division ng Sandiganbayan.

Sure naman na babalik ng Pilipinas si Jinggoy dahil walang reason para magtagal siya sa Amerika.

Pupunta si Jinggoy sa US para patingnan sa espesyalista ang shoulder injury niya na pabalik-balik ang sakit.

Tutuparin din ni Jinggoy ang promise sa kanyang mga anak na magbabakasyon sila sa Amerika kapag nakalaya na siya. Hindi kasi nakadalo si Jinggoy sa graduation ng kanyang mga anak dahil nakakulong pa siya noon sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Tsismis na paglaya ni Bong, bahala na si God!

No comment ako sa balita na malapit nang lumaya si Bong Revilla, Jr. dahil ipinapaubaya ko na ang lahat kay God.

Mahirap umasa dahil madi-disappoint ka lang. Magre-rejoice na lang ako kapag nakita ko nang lumalabas si Bong mula sa PNP Custodial Center at sinusundo na siya ng pamilya niya para makauwi na sila sa kanilang tahanan.

Hindi naman ako nag-iisa dahil marami ang nagdarasal para sa freedom ni Bong na mag-aapat na taon nang nakakulong sa June 2018.

NORMA LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with