Alfred walang ambisyon na maging senador
Kapag kumandidato na bilang mga senador sina Secretary Bong Go, Congressman Albee Benitez, Congressman Toby Tiangco, General Bato dela Rosa at Congressman Alfred Vargas, iboboto ko sila dahil mga trustworty sila at sure na fresh ang ideas.
Tama na ang mga trapo dahil they had their time. Ipaubaya na nila sa mga mas bata ang kinabukasan ng bayan natin. Huwag na silang masyadong matakaw sa kapangyarihan dahil ang personal interests ang pinaiiral nila.
Hindi ko sinasabi na confirmed na kakandidato na senador sa susunod na eleksyon ang mga prominent personality na binanggit ko.
Sigurado naman ako na wala sa ambisyon ni Alfred na kumandidato na senador dahil gusto niya na tapusin ang kanyang term bilang house representative ng District V ng Quezon City.
Matalino na tao si Alfred as in alam niya ang mga dapat gawin. Kita n’yo naman, hindi siya nag-ambisyon na magkaroon agad ng mataas na puwesto sa pulitika.
Nag-umpisa ang political career niya bilang konsehal ng Quezon City hanggang mahalal siya na kongresista. Kung anuman siya ngayon, talagang pinaghirapan ni Alfred.
Ang dami-daming movie at television offers ang tinanggihan ni Alfred, kahit tempting dahil ang pagiging public servant ang unang isinasaalang-alang niya. Ayaw niya ng mga role na hindi good role model sa mga tao dahil public servant nga siya.
Bong Go excited uriratin ng mga reporter
Matuloy sana ang plano ni Papa Bong Go na makilala nang personal ang mga miyembro ng entertainment press.
Natsitsismis na tatakbo na senador si Papa Bong pero walang denial o confirmation mula sa kampo niya.
Pati si President Rodrigo Duterte, bet si Papa Bong na kumandidato na senador dahil knows niya na reliable at tunay na mapagkakatiwalaan ang kanyang assistant na binansagan na Pambansang Photobomber.
Parang artista na kontrobersyal at hindi nawawalan ng mga isyu si Papa Bong kaya excited ang entertainment press na ma-meet at makausap siya nang masinsinan.
Mag-iinang Lani, Bryan at Jolo, nahumaling sa keto diet
Popular pa rin sa mga celebrity ang ketogenic diet para sa mabilis na pagbabawas nila ng timbang.
Alam n’yo ba na keto diet ang sikreto ng pagpayat ng mag-iinang Lani Mercado, Bryan at Jolo Revilla?
Ang sister in-law ni Lani, ang former actress na si Gigi dela Riva ang naghahanda ng kanilang keto diet foods.
Very effective na ketod diet model si Gigi dahil malaki ang ipinayat niya. Nag-try si Gigi ng keto diet dahil sa health reasons, hindi dahil gusto niya na magkaroon ng sexy body at nagtagumpay siya kaya dumarami na ang kanyang mga kliyente.
Pero siyempre, kailangan na may supervision pa rin ng doktor ang keto diet. May mga tao kasi na nag-keto diet pero sila lang ang nag-imbento ng mga pagkain kaya imbes na makabuti ito sa katawan nila, nakaapekto pa sa kanilang mga kalusugan.
Rachelle Ann, ilang araw na lang magiging misis na!
Sa April 19 ang beach wedding sa Boracay ni Rachelle Ann Go at ng kanyang fiancee na si Martin Spies. Tiyak na invited sa kasal nina Rachel at Martin ang BFF ko na si Pinky Tobiano dahil very close ito sa singer-actress.
Kasama si Pinky sa mga punong-abala nang mag-propose si Martin kay Rachel sa Boracay.
Isasara sa publiko ang Boracay island sa April 26. Lucky sina Rachel at Martin dahil hindi affected ng pagsasara sa Boracay ang kanilang beach wedding sa darating na Huwebes.
- Latest