Magandang aktres laging bagsak sa english!

Neri

Hindi na dapat magtaka ang marami kung bakit hindi boses ng female celebrity ang ginagamit sa mga commercial niya at kung bakit mas madalas na wala itong dialogues sa mga commercial dahil hindi nga raw maganda ang boses nito kaya tama na raw ang magandang mukha nito.

May nakausap kaming isang taga-advertising agency kung saan gumawa ang female celebrity ng commercial. Talaga naman daw hindi katanggap-tanggap ang boses nito kaya kinailangan nilang palitan ang storyboard para mawala na ang dialogues nito. Pero sa isang version naman, kailangan daw talaga na magsalita ito kaya nag-hire na lang sila ng dubber.
“Jologs kasi ang boses ng babaeng ‘yan. Sayang at ang ganda ng face niya. Gusto siya ng kliyente, kaso talagang wala kaming magawa sa boses niya. Hindi bagay sa ganda ng face niya kaya she needs to be dubbed.”

Napakinggan na nga naming magsalita ang female celebrity at sa totoo lang, hindi nga maganda. Jologs ang boses nito. Kung magsalita pa nga ay parang nakikipag-away dahil walang ka-finesse-finesse.

Dapat nga lang na i-dub siya or else panget lalabas ang commercial.

May inabiso nga raw ang advertising agency sa mga humawak sa career ni female celebrity. Mag-take up daw ito ng speech lessons dahil bukod sa ma-improve ang timbre ng pananalita nito, maayos pa ang hindi magandang pronounciation niya sa mga English words.

“Iba ang dating ng English words kapag nanggaling na sa kanya, Naiiba ang tunog kaya she really needs work sa bagay na iyon.

“Wala nang problema sa physical dahil maganda na siya talaga. Yung pananalita lang ang ayusin kasi hindi naman all the time ay mukha lang
niya ang gusto ng tao.”

Jan handa na kasal

Naghahanda na ang Kapuso comedian at StarStruck 4 alumnus na si Jan Manual sa nalalapit na wedding nila ng kanyang fiancée na si Jamey Santiago.

Na-engage ang dalawa noong nakaraang October 17, 2017 at sa June 2018 na ang magiging church wedding nila.

“Napagsasabay namin ang maging busy sa ministry and wedding preparations, but we are enjoying ourselves.

“Masasabi ko na kapag naging faithful ka kay Lord, sa single life mo, magiging faithful din siya lalo sa married life mo. And we are a living witnesses of it! To God be the glory!” sey pa ni Jan.

Sa farm resort at events venue na Estancia de Lorenzo in San Mateo, Rizal gaganapin ang wedding at reception nila Jan at Jamey.

Naplano na rin ng dalawa ang magiging honeymoon nila after the wedding.

“Our original plan was to have our honeymoon in Japan. Japan is our dream country.

“But the month of June kasi, summer doon, so we decided to move it on another date para medyo winter naman.

“Instead, we want to explore the beautiful beaches dito sa bansa natin,” pagtapos pa ni Jan Manual.

Brad Pitt, professor ang bagong target

Bulung-bulungan sa Hollywood ngayon ang pakikipag-date diumano ni Brad Pitt sa kilalang MIT professor na si Neri Oxman.

Ayon sa Page Six TV, nakilala ni Brad si Neri dahil sa isang MIT architecture project.

“Brad and Neri instantly hit it off, because they share the same passion for architecture, design and art. This is best described as a professional friendship.

“Their friendship has not turned into romance … as both are cautious and this is, again, more of a professional friendship, but Brad is very interested in spending more time with Neri, she is fascinating.”

Isang acclaimed architect at award-winning artist si Neri. Noong 2012, kasama siya sa 25 most stylish Bostonians by the Boston Globe.

According to her MIT bio, Neri, 42, “coined the term, and pioneered the field of, Material Ecology, which considers computation, fabrication, and the material itself as inseparable dimensions of design. In this approach, products and buildings are biologically informed and digitally engineered by, with and for, nature.”

Dagdag pa sa achievements ni Neri ay ang pagkapanalo niya sa International Earth Award for Future-Crucial Design in 2008, the Vilcek Prize in Design in 2014 and an Emerging Voices award from the Architectural League of New York in 2015.

Show comments