Nakatikim ng panghihiya sa LA Fashion Week ang only daughter nina Gary Valenciano and Angeli Pangilinan. Ito ay matapos umano siyang i-reject na rumampa ng kapwa Pinoy na designer.
“This is just going to make us tougher. What doesn’t kill you makes you stronger, ” sabi ni Kiana sa video post ng kanyang mommy Angeli sa Instagram kagabi.
Kasama umanong ipinahiya ng designer bukod kay Kiana sa opening show ng LA Fashion Week ang former Miss Earth na si Jamie Herrell kasama ang lima pang Filipino models.
“No Filipinos allowed to walk on the ramp!” ang sabi raw ng organizer.
Ginawa raw ang panghihiya sa grupo ni Kiana sa harap maraming tao roon.
Tatlong designers diumano ang nandun at dalawa dun ay Pinoy, sina Rocky Gathercole and Resty Lagare na kapwa kilala sa fashion world.
Nasa bucket list umano ni Kiana ang makarampa sa LA Fashion Week. At kaya raw hindi ito aktibo sa showbiz ay dahil mas pinili nitong manahi at nag-aral pa ng short courses sa London para ipagpatuloy ang passion sa fashion dahil gustung-gusto raw nitong mag-drawing ng dresses and gowns simula nung bata pa siya. “This lady chose a sewing machine over more expensive, material presents as a must-have-gift as a teenager. To rob her of a dream-come-true opportunity was not nice at all. It was actually horrible,” ang naging pahayag pa ng kanyang Mommy Angeli na bago sila lumipad pa-LA ay sobrang excited siya.
Marami namang hindi makapaniwala na nangyari ito sa anak ni Gary V. na nandun si Ms. Angeli na kilalang laging palaban.