Anne parang ‘di mag-aasawa, todo rampa sa Korea!

Anne Curtis

Kasalukuyang nasa Seoul, Korea na nga si Anne Curtis na tinawag niyang kanyang “dream destination”. At tulad nga ng nilinaw niya in her recent interview, hindi siya talaga sa The Shilla Hotel nag-book kung saan nga gaganapin ang wedding reception ng top Korean stars na sina Song Joong-Ki at Song He-Kyo ngayong araw na ito, October 31.

Sa Instagram post ni Anne ay makikita ang location niya ay Signiel Hotel sa Seoul. Panay din ang post niya ng mga larawan ng kanyang escapades sa kanyang favorite country. Ang mga post niya ay may hashtag na “ANNEventureSEOUL”.

Pero since today nga ang kasal ng Song-Song couple, feeling namin ay makikibalita rin si Anne kahit paano sa nasabing most-talked-about wedding lalo pa nga’t paborito rin niya ang dalawa.

Well, as we all know, self-confessed K-addict si Anne na sey nga niya, hindi maiintindihan ito ng mga basher at maging ng friends niya.

Sa malas ay hindi kasama ni Anne sa Seoul ang kanyang fiancé and soon-to-be husband na si Erwan Heussaff dahil tila nasa ibang lugar siya base sa mga latest posts niya.

Anne and Erwan are said to be tying the knot on November 11 in Queenstown, New Zealand pero parehong tikom ang bibig nila tungkol dito at walang announcement pa na nanggagaling sa kanila.

Jericho tuloy ang paghingi ng dasal kay Isabel

Humihingi pa rin ng dasal ang ex-husband ni Isabel Granada na si Jericho Aguas aka Geryk Genasky. Sa kanyang latest Facebook post ay nakasaad na “Oh God…Give my son strength”.

As we all know, kasalukuyang nasa Qatar na ang anak nina Isabel at Jericho na si Hubert kasama ang lola nitong si Mommy Guapa, Isa’s mom.

Halatang seryoso ang tono ng post ni Jericho kaya naman marami ang nag-alala sa kalagayan ni Isabel. Sa comments section ay maraming nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya at sinasabing “be strong” at “magpakatatag ka”.

Patuloy po nating ipagdasal ang kaligtasan ni Isabel.

Ritz at Paulo hanggang TV lang ang landian

Nababasa namin ang mga reaksyon ng netizens sa tambalan nina Ritz Azul at Paulo Avelino sa seryeng The Promise of Forever at halos lahat sila’y gustung-gustong magkatuluyan sila in real life.

Komento nila ay bagay na bagay daw sina Ritz at Paulo at ang lakas ng chemistry.

“Sana kayo na lang,” ang halos iisang komento nila kina Ritz and Paulo.

Pero sa ngayon, mukhang malabo namang mangyari ito dahil nga as we all know, kahit single si Ritz, this is not the case with Paulo. May girlfriend ang aktor ngayon, ang Filipino-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Anyway, bukod sa lakas ng chemistry nina Paulo at Ritz ay puring-puri rin ng manonood ang kakaibang kuwento ng TPOF kaya naman hooked na hooked na ang mga tagasubaybay sa serye.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, oras na para harapin ni Sophia (Ritz) ang bagong yugto ng kanyang buhay sa rebelasyong siya ay nagdadalang tao, ngunit kaakibat nito ang matinding lungkot sa pag-aakalang patay na si Nicolas (Paulo).

Muling nagkrus ang landas nina Nicolas at Sophia para maghiwalay ring muli, matapos magdesisyon ang “immortal man” na tumalon sa isang bangin upang talikuran na ang nakaraan at hindi na idamay pa ang babaeng minamahal sa gulo ng kanyang buhay.

Ngunit sa kabila ng dalamhating nadarama, madidiskubre ni Sophia na nagbunga ang pagmamahalan nila ni Nicolas, dahilan naman para ikagalit ng kanyang mga magulang at magdesisyon siyang umalis sa kanilang tahanan.

Sabay naman sa pagkakahiwalay nila ng landas, hindi titigil si Marlon (Tonton Gutierrez) na hanapin si Nicolas upang makapaghiganti at tuluyan nang magawa ang miracle drug na magpapayaman sa kanilang angkan.

Show comments