May ‘sabit’ na rin ang nanalong Binibining Pilipinas Universe na si Rachel Peters from Camarines Sur. Girlfriend siya ni Gov. Migz Villafuerte ng Bicol.
Pareho sila ni Maxine Medina na may Marx Topacio, nang pagwagian ang korona.
Anyway, Fil-Brit si Rachel na pinahanga ang mga hurado sa Q & A portion.
“I believe that one of the biggest problems that our country faces today is divisiveness-- in politics, in religion and also in culture. And I believe that is something that is the same across the world, and so that is something that I would want to address. I believe that when people can learn to tolerate each other’s differences and respect each other’s opinions, then we will just be a stronger nation and world,” ang sagot niya nang tanungin kung ano’ng sasabihin niya sa ASEAN leaders kung sakaling naimbitahan siyang magsalita.
Tapos ng Bachelor of Business, Tourism, and Events ang 5’9” beauty queen mula sa La Trobe University in Melbourne, Australia kaya naman umaapaw ang confidence niya. Nag-work na siya bilang event organizer at kasama sa mga inaayos niyang event ay pinangunahan umano nina Katy Perry and Christina Aguilera.
KC nag-nature trip, ayaw manood ng binibini?!
Nagni-nature trip si KC Concepcion sa Sagada.
Ito kaya ay para hindi niya mapanood ang Binibini ng Pilipinas?
Nakakailang taon na rin kasing nagho-host si KC ng BP pero this year ay pinalitan siya ni 2015 Miss Universe Pia Wurztbach.
“Surely a trip to the Mountain Province isn’t complete without a bonfire? (PLUS: A French bulldog up in the mountains... Well played, Sagada. Well played.),” ang caption ni KC sa kanyang picture habang nasa harap ng bonfire at may hawak na aso.
Hindi binabanggit ni KC kung kasama niya sa biyahe ang boyfriend na si Aly Borromeo.