MANILA, Philippines - Mataray ang nakakwentuhan naming tagahanga sa isang taping kamakailan. “Diyos ko, Hollywood naman susunod na target pasukin ni Kris Aquino?,” dire- diretso niyang dialog sa kwentuhan.
Ayon pa sa tagahanga, maniniwala lang daw siya sa pralala ni Kris kapag ipapalabas na ito sa mga sinehan.
Sabi nga, to see is to believe pero kung kwentuhan lang, still kwento pa rin itong may malaking katanungan.
Nagbigay nga siya ng halimbawa ng mga nabalitang gustong sumubok sa Hollywood noon gaya nina Anne Curtis, Jake Cuenca, Manny Pacquiao at Pia Wurtzback.
Mabuti pa nga si Barbara Perez nakatambal si Tab Hunter noon.
May punto ang tagahanga sa kanyang pagdududa at pagtatanong dahil sa GMA nga at TV5, katakut-takot na pralala ang announcement na lalabas si Kris pero waley naman.
Hinahanap nga raw nila sina Madam Auring at Madam Rosa para pahulaan kung matutuloy ba ang pag-appear ni Kristeta sa pelikula sa Hollywood daw.
Jay babaeng-babae sa bagong movie
Barakong tingnan si Jay Manalo dahil matipuno ang kanyang pangangatawan at marami na ring babae ang na-link sa kanya.
Pero sa pelikulang Pusit na idinirek ni Arlyn dela Cruz, marami ang nabigla sa role ni Jay bilang isang transgender dahil mukha talaga siyang babae.
Maging si Elizabeth Oropesa ay hindi nakilala si Jay nang maayusan.
Ayon naman kay Direk Arlyn, professional daw itong si Jay at hindi ito naging problema sa set.
Napapangiti din sina Allan Paule at Juan Rodrigo kay Jay dahil seksi raw ito at malakas ang appeal.
Mukhang seryoso na uli si Jay sa kanyang pagbabalik showbiz ha.
Alden at Maine hindi nagdadamot
Mabuti pa sina Alden Richards at Maine Mendoza, walang attitude kapag naiimbita na mag-show sa abroad.
Hindi sila maarte kapag kinakausap ng mga tagahanga. Hindi rin maramot ang mga ito sa pakikipag-selfie o photo op.
Nakakahanga tuloy ang mga nangangalaga ng kanilang karera.
Kung iisipin naman, nagbabayad ang mga tagahanga para manood kaya hindi dapat pinagtataguan ang mga ito. Bayad ang mga artista sa kanilang show kaya wala silang karapatan na mag-inarte.