^

Pang Movies

Lotlot aminadong bungangera

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Lotlot aminadong bungangera
Lotlot de Leon

Back to work na at tsikahan na naman. So far, maganda ang indie movie ni Lotlot de Leon, ang 1st Sem.

Napanood namin ito noong Martes Santo. Hindi ka aantukin dahil hindi boring ang pelikula na parang sinadya at tribute kay Lotlot.

Tiyak na makaka-relate raw dito ang mga madadaldal at bungangerang ina sa mga anak.

E, ako, naku naka-relate talaga ako.

Ang gagaling din umarte ng kanyang tatlong anak na puro lalaki na ginagampanan nina Darwin Yu, Miguel Bagtas, at Sebastian Vargas. Teka, nag-workshop kaya sila? Bakit ang gagaling nilang umarte, mag-dialogue at pati na sa facial expression?

Sayang at hindi ko sila nakausap after ng screening ng 1st SEM. May future na sumikat sila at maging big star lalo na si Darwin, in fairness puro good looking sila.

Experience wise, nag-commercial model si Darwin. Rampa sa fashion show, pero ang pag-aartista sa pelikula at telebisyon show ang gusto niyang karirin, bukod sa pagiging mag-aaral sa isang unibersidad.

Malalim din ang gustong marating sa showbiz nina Miguel Bagtas at Sebastian Vargas. Ang ganda ng mga eksena nila with Nanay Lotlot nila. E, si Lotlot palibhasa ay isang ina, kaya alam ang role na ginagampanan niya.

Bukod sa may natutunan siya sa pagiging anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon, kasama na rin dito syempre ang pagiging elder sister sa mga kapatid na sina Matet, Ian, Kiko at Ken.

Siya ang tumayong ina nang magpunta sa US si Nora.

Lagi daw siyang nangangaral, nagagalit lalo na kapag may maling nagagawa ang mga kapatid dahil ayaw niyang mapabayaan ng mga ito ang kanilang pag-aaral. At always reminding na huwag kakalimutan ang kagandahang asal at respeto sa bata man o matanda.

Magaling ang story at direksyon ng dalawang batang direktor na sina Allan Michael Ibanes at Dexter Paglinawan-Hemedez. At take note, matipid ang casting. Kung baga, umikot lang ito sa isang biyudang ina at tatlong anak at tiyuhin na ginampanan ni Allan Paule. This movie ay nanalo na ng Special Jury Prize Performance sa All Lights Indie International Film Festival 2016 sa India.

Napili rin opisyal na lahok sa World Fest Hous­ton International Film Festival sa April 21-30 sa Houston, Texas, USA. Produce ito ng Kayan Productions.

Belated happy Easter!

A blessed happy Easter to all! Ang saya, ‘di ba? Nakaraos ang isang linggong banal na araw sa buong Pilipinas at may ilang bansa rin namang nagdaraos ng ganitong okasyon ng mapayapa.

At least medyo nakapa-relax tayo.

Thank you Lord Jesus, halleluiah!

Personal…

Congratulations sa lahat ng mga nagtapos na mga bible trainees ng Christian Bible Leadership lalo na kay Ms. Zeny Serapio ng Golden City, Sta. Rosa, Laguna. Ang isa sa mga trabaho nila ay ang pagpapalaganap ng salita ng Diyos sa tao at sa mga bahay-bahay. Good luck! 

LOTLOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with