^

Pang Movies

Gabbi sa Australia pa nagsyuting ng shampoo commercial

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Napansin na rin ng major products ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia. Pero sosyal ang location ng una niyang TV commercial shoot, huh!

Sa Australia syinut ang unang TVC ni Gabbi para sa isang shampoo product. ‘Yun pala ang rason kaya ilang araw rin siya sa Land Down Under (Australia) last month.

May isa pang na-achieve si Gabbi – ang maging cover girl ng isang glossy magazine, huh! Dream fulfilled ang pagiging cover girl ng isa sa cast ng Encantadia. ‘Yun nga lang, loveless na yata si Gabbi, huh!

‘Yon ay kung totoo ang tsismis na hiwalay na sila ni Ruru Madrid. Hindi na bago sa mga artista ‘yung mabalitaang split na pero never umanin na may relas­yon, huh!

Concert ng Coldplay sa Singapore sinugod ng mga artista   

Sumugod sa Singapore ang ilang local celebrities upang makauna sa panonood ng foreign band na Coldplay. Magiging bahagi ang bansa sa Asian Tour ng nasa­bing rock band na kinagigiliwan ni Maine Mendoza.

Nag-tweet nga ang mga komedyanteng sina Jerald Napoles at Nar Cabico na halos kita na nila ang ngala-ngala ng lead singer ng Coldplay dahil malapit na malapit sila sa stage. Halos matalsikan sila ng pawis ng lead singer habang nanonood.

Sa post ni Jerald sa Instagram account niya, after one week pa raw siya makaka-move on sa pagiging fan ni­­yang Coldplay.

Kung hindi kami nagkakamali, ngayong week na ang concert ng Coldplay sa bansa. Halos nagkaubusan na ng tickets kahit may kamahalan ang mga ‘yon.

Kahit napanood na ni Meng ang fave band, siguradong isa siya sa maagang susugod sa concert venue at walang pakialam na magsisisigaw sa bawat kanta ng paboritong band, huh!

Pia music video ang pinagdiskitahan!

Dedma pa rin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isyung lumabas sa boyfriend na si Marlon Stockinger hanggang kahapon. Lahat ay nganga sa statement na ilalabas ni Queen P o ng kanyang ma­nagement.

Sa halip na tugunan ang kontrobersya, ang music video kasama ang singer na si Massari ang inilabas ni Pia. Mas makakatulong nga naman ito sa kanyang career kesa sumagot sa kontrobersiya, huh!

Pero banggit pa rin si Marlon sa komento ng followers niya. “What a fitting song for Marlon. Keep up your head high our @piawurtzbach.” --@ phlyyogi.

“Stay strong QueenP.” – @nogle_11.

“Bagay na bagay kayong dalawa Pia hehehe.” -@sweetisabelle25.

‘Wag na lang patulan ni Pia ang isyu. Settle na lang nilang dalawa ‘yon ni Marlon, huh!

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with