Nagsisisi ngayon ang tumatayong manager ng male actor dahil pinalagpas nito ang dalawang malalaking offers.
Noong makilala ang male actor dahil sa mahusay nitong pag-arte sa isang pelikula, dumagsa ang offers sa kanya at gusto siyang isama sa teleserye ng dalawang nagbabangayan na TV networks.
Pero nag-inarte ang manager at pareho raw niyang tinanggihan ang offer. Ang gusto raw niya ay kontrata para sa alaga niya.
Inaasahan ng manager na magpapataasan ng offer ang dalawang TV networks para makuha ang alaga niya. Pero ang ending, walang tumawag na ulit sa manager at parehong nawalan ng gana ang dalawang TV networks na kunin pa ang alaga niya.
“Paano naman kasi, ambisyoso ang manager. Nakilala lang saglit ang alaga niya, kala mo naman pinakamagaling na artista na ito.
“Lumaki agad ang ulo at gusto kontrata agad. Bakit naman ikokontrata ang alaga niya, eh hindi naman na bagets ito at mukhang pang-character roles lang siya. In short, hindi siya bidahin kaya tumigil sila sa ilusyon nila.
“O ngayon, feeling hahabulin ang alaga niya? Jusko, ang daming artista diyan na kayang gawin ang ginawa ng alaga niya. Nataon lang na gusto siyang isama sa teleserye. Kaso, nagmalaki at may mga demands pa.
“Kaya hayan, waley nang tumawag at biglang naglaho ang name ng alaga niya pagkatapos ng isang buwan.
“Sana kasi hindi agad lumaki ang ulo. Kung may opportunity na dumating, kunin agad, kesehoda kung ano’ng role pa ‘yan.
“Mag ilusyon ba ang manager na ka-level ng alaga niya ang mga tulad ng mga leading men ngayon sa TV? Ambisyosa, ‘di ba?” kuwento pa ng source namin.
Ngayon daw ang nagmamalaking manager na ang nangangatok ulit sa mga talent coordinators ng dalawang network na kunin na ang alaga niya sa kahit na ano’ng show.
Ang alaga na niya mismo ang nagsabi na kahit na ano’ng role ay gagawin niya basta may kitain lang siya na regular.
Father of Rock & Roll na si Chuck Berry namaalam na
Sumakabilang-buhay na ang tinaguriang Father of Rock & Roll na si Chuck Berry sa edad na 90.
Namaalam ang rock and roll legend sa kanyang tahanan sa St. Louis, Missouri.
Rumesponde sa isang medical emergency call ang police sa nangyari kay Berry na natagpuan unresponsive at hindi na raw ito na-revive pa.
Nakilala si Chuck Berry dahil sa mga hit singles niya noong 50’s and 60’s na Roll Over Beethoven, Johnny B. Goode, Sweet Little Sixteen, Maybellene, Around and Around, Brown-Eyed Handsome Man, School Days, Memphis, Nadine, at No Particular Place to Go.
Sa website ng The Rolling Stones, ito ang sinabi nila sa yumaong legendary singer:
“The Rolling Stones are deeply saddened to hear of the passing of Chuck Berry. He was a true pioneer of rock ‘n’ roll and a massive influence on us. Chuck was not only a brilliant guitarist, singer and performer, but most importantly, he was a master craftsman as a songwriter. His songs will live forever.”