Sincere apology sa mga taong natalsikan ng aking galit sa kuno election 2017 ng Golden City Sta. Rosa, Laguna. Na kung saan ang aming Punong Bayan ay si Mayor Dan Fernandez at ang Brgy. Capt na si Peping Cartano (welcome back po sa serbisyo Kap.)
Last March 5 po ang election para sa pamunuan ng Golden City.
Bago ‘yun ay nagsimba muna ang beauty ko bago ako tumuloy sa napakagandang club house.
Ang hirap umakyat doon at talagang naglabas ako ng effort para gampanan ang aking tungkulin bilang mabuting mamayan at homeowner ng aming subdivision.
Ang saya dahil maraming tao, kaso useless pala ang effort na ginawa ko dahil hindi ako pinaboto.
Tinanong ang name ko at ang name raw ng asawa ko ang nakarehistrong botante.
Aba, almost eight years nang hindi bumuboto ang aking asawa dahil sumakabilang buhay na ito kung kaya ako na lang ang bumuboto.
Nitong mga nagdaan na eleksyon ay maayos naman ang botohan na wala nang hinahanap na katibayan na ako nga ang asawa ng aking mister.
Aba ngayong 2017, ang daming hinihingi sa akin para makaboto! Pangalan kasi ng asawa ko ang naka-lista sa voters. Patakaran daw ‘yun!
E, ganun pala, sana kasama sa announcement ng kuno election ang lahat ng requirements para makaboto.
Hinihingian pa ako ng marriage contract.
E, para umuwi ako ng bahay at magkalkal ng cabinet na pinaglagyan ng katibayan na ako’y asawa, nakakagigil eh!
Hindi po ako kabit! Pati land title ay hinanap pa sa akin.
Naku po, inatake talaga ako ng BP at FBS (tumaas blood pressure at bumagsak sugar count).
Dapat a week before the election, ay ipinaskil na sa main gate ng clubhouse ang needed requirements, at kapag hindi dala ‘yun ay doon na harangin ang mga boboto ng walang dala na kailangan para hindi kami mataranta!
E, ura-urada kayo kung magsabi mga letche plan kayo oo!
Saka pa lang kayo magsasabi na aayusin ang voters list kung kelan sa mismong election, e ang asawa ko dedbol na eight years ago pa!
March 4 pa naman ang birthday niya, buti hindi ko siya tinawagan kundi babangon siya sa hukay at tatadyakan kayo!
Napakaraming tao ang nagalit at di tuloy nakaboto. Bakit ayaw ba ninyo na magkaroon ng bagong BDO? May dapat ba o may malalim na hugot ba sa nangyayaring ito? Ang gulo n’yo huh, March 2017 GCHAI elections!
Ano’ng say mo, Mayor Dan Fernandez?