Maxine pumayag nang magkaroon ng interpreter?!

Maxine Medina

Buti na lang at hindi pala masyadong nagbabasa ng negative comments ang pambato natin sa Miss Universe na si Maxine Medina. Kaya malamang hindi niya alam na katakut-takot ang pang-aalipusta sa kanyang pag-i-English. Sinabi ni Maxine sa isang interview na wala na siyang oras na magbasa pa ng mga pangba-bash. Kung sinu-sino na kasi ang nagpayo sa kanya na gumamit ng interpreter para nga makasi­guro na makakasagot ng tama sa Q&A sa January 30.

Buti pa nga ang UUAP superstar na si Jeron Teng na maglalaro na sa PBA D-League para sa AMA Online, nasabing ‘wag agad husgahan ang ating kandidata.

Anyway, kahapon ay iba ang tono ni Maxine. Sinabi niya sa isang interview na open siya na gumamit ng interpreter lalo na kung papasok siya sa Magic 5.

Hindi naman kasama si Maxine sa mga kandidatang nag-parade sa Baguio kahapon dahil naiwan sila sa Conrad Hotel kung saan tumulong sila sa pagbabalot ng mga bigas para sa isang charity event. 

Wifey wala sa eksena Angel iba ang kasama nang mamundok sa Hong Kong

Magkasamang umakyat sa bundok sa Hong Kong sina Agot Isidro and Angel Locsin.

Pero surprisingly, missing ang wifey ni Angel na si Bubbles Paraiso na ka-buddy niya sa pag-iikot sa iba’t ibang kabundukan. Actually, nabibigyan na nga ng malisya ang pagsasama nila kasi lagi na lang sila ang magkabuntot.

Teka, wifey din kaya ang tawag ni Angel kay Agot?

 ““Reunited and it feeeels so gooooood...@agotisidro  amishyu @dimplesromana #LycanReunion (Traversed from Pak Kung Au to Nam Shan via Sunset Peak) #sunsetpeak #hongkong #hiking#mountains

Sunud-sunod ang pag-iikot nina Angel at Bubbles sa mga bundok noong nakaraang linggo.

Show comments