^

Pang Movies

Alden at Maine pilit nagta-trabaho kahit may sakit

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nothing to worry ang AlDub fans dahil rest lamang ang kailangan ng mga love nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza na nasobrahan lang siguro ng trabaho, plus ang pabagu-bago nating weather kaya bumigay ang katawan nila. Last Thursday, parehong may fever ang dalawa pero work pa rin sila sa Eat Bulaga. Nasa Broadway studio si Alden at si Maine naman ay nasa barangay sa Hagonoy, Bulacan, para sa kanilang sugod-bahay sa Juan For All All For Juan segment.

Mas paos na ang boses ni Alden. Pero kinagabihan, kahit masama pa rin ang pakiramdam, tinupad nila ang hosting job sa event ng Nestlé Philippines sa Marriott Hotel, kung saan pareho silang endorsers.

Hindi hinayaan ni Alden na mag-isa lamang magtrabaho si Maine kahit halatang masama na talaga ang pakiramdam niya at may video silang parang inaalalayan na siya ni Maine noong pauwi na sila. Siguradong may advice na si Maine kay Alden na magpa-check-up at magpahinga dahil lagi niyang sinasabi iyon sa kanyang katambal.

Kaya on their way home, dumaan si Alden sa family doctor nila sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City for check-up. Sipon, ubo, at magang throat ang findings at complete day rest with medication lamang ang reseta ng doctor. At 2:00 AM, nasa bahay na nila sa Laguna si Alden. Pero sanay ito sa maagang gising at 7:33AM nag-post na siya sa Twitter ng “All day in bed day!” habang nakahiga pa sa bed niya. Si Maine naman ay nag-report sa sugod bahay sa Valenzuela City.

Ngayong Saturday, hindi kami magtataka kung balik-trabaho na si Alden with Maine sa Eat Bulaga at sa hapon ay may Silver Saya event siya para sa Boardwalk.

Nag-aral pa kay Jaime Licaoco Ian matagal nang interesado sa paranormal activities

Hindi naging problema kay Ian Veneracion nang i-offer sa kanya ni Atty. Joji Alonso, producer ng Quantum Films, ang role ng isang paranormal researcher sa bago nilang movie offering with MJM Productions, Tuko Films, at Butchi Boy Productions, ang Ilawod, isang salitang Bicol na ang ibig sabihin ay pababang agos ng tubig.

Matagal na raw siyang interesado sa paranormal activities, noon pa mang nabubuhay pa ang actor na si Roy Alvarez, kuwento niya sa kanilang grand presscon ng movie. Sumasama raw siya kay Roy sa pag-akyat nito sa bundok para maka-meet ng mga healer. Kahit kay Jaime Licaoco, isang kilala namang parapsychologist, nag-take naman siya ng course tungkol sa past life regression.  Interesado rin siyang malaman ang tungkol sa mga elemental na pinaniniwalaan ng may Pinoy, tulad ng mga duwende at kapre. “As Dennis dito sa Ilawod, naka-relate ako sa kanya na isang paranormal researcher,” sabi ni Ian.

“Pero kahit may alam ako tungkol sa character ni Dennis, hindi naman ako madaling maniwala, open-minded ako pero inuunawa ko rin muna ang mga bagay-bagay bago ako maniwala.”

Sa movie na first horror directorial job ni Dan Villegas, muling magkatambal sina Ian at Iza Calzado na gaganap na mag-asawa. May pagka-daring ang role ni Iza pero hindi naman daw problema dahil magkatambal din sila sa A Love To Last sa ABS-CBN, kaya comfortable na silang magkasama.

Kasama nila sa cast si Therese Malvar, ang Ilawod sa story at kasama rin nila sina Xyriel Manabat at ang newcomer na si Harvey Bautista, anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.  Best friend niya at paranormal researcher din si Epi Quizon. Mapapanood na ang movie simula sa January 18 in cinemas nationwide.

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with