Tuloy na tuloy ang showing ngayon sa mga sinehan ng Mang Kepweng Returns.
Wa effect ang “Hollywood can wait” at “Mang Kepweng can wait” ng mga supporter ng Metro Manila Film Festival 2016 dahil mapapanood na ngayon ang pelikula ni Vhong Navarro na dinedma ng Selection Committee ng MMFF.
Wish ko na pilahan sa takilya at maging blockbuster ang Mang Kepweng Returns dahil mababait ang mga producer nito at malapit sa akin si Vhong na anak-anakan ng isa sa mga favorite director ko na si Chito Roño.
Sa kasaysayan ng local movie industry, kumikita sa takilya ang mga pelikula na ipinalalabas sa mga sinehan pagkatapos ng MMFF at sana, mangyari ito sa Mang Kepweng Returns.
Eugene malilimitahan na ang biyahe sa Italy
Confirmed na ang pagbabalik sa telebisyon ng Celebrity Bluff, ang game show ni Eugene Domingo na pansamantala na nagpahinga sa ere.
May balita na magiging daily show na ang Celebrity Bluff kapag nagbalik ito sa telebisyon sa susunod na buwan.
Good news ito para sa production staff ng Celebrity Bluff dahil kung magiging daily na ang game show ni Eugene, isa lang ang ibig sabihin nito, madaragdagan ang kanilang mga talent fee.
At kapag nagbalik na ang Celebrity Bluff, magiging busy na uli si Eugene kaya malilimitahan na ang mga biyahe niya sa Italy para mabisita ang love of her life.
Sinabi naman ni Eugene sa presscon noon ng Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverisNotEnough na may plano na dumalaw sa Pilipinas sa 2017 ang Italian boyfriend niya.
Open na open na si Eugene sa pakikipagrelasyon sa kanyang dyowa dahil inilalagay na niya sa social media ang kanilang mga litrato at video.
Ivan Dorschner manggagamit at wala raw utang na loob!
Si Ivan Dorschner pala ang aktor na inaakusahan na user friendly at walang utang na loob.
Hindi ko talaga kilala si Ivan dahil hindi ko pa naman siya nakikita nang personal at hindi ako pamilyar sa pangalan niya. Basta ang narinig ko, kaibigan siya ni James Reid at ito ang nagkumbinsi sa kanya na bumalik sa Pilipinas at i-resume ang showbiz career niya.
Nalaman ko lang na starring siya sa Meant to Be, ang primetime teleserye ng GMA 7 na mapapanood simula sa January 9, 2017.
May nagbulong sa akin na si Ivan ang pinararatangan na user friendly ng isang tao na malapit sa akin. Naalaala ko tuloy ang emote ng friend ko nang magkita kami noong December 2016 dahil si Ivan pala ang subject ng kanyang mga hinaing.
Siyempre, mas naniniwala ako sa friend ko dahil matagal na kaming magkakilala at hindi matatawaran ang credibility niya.
Bahala na si Ivan na magtanggol sa sarili niya laban sa mga ibinibintang sa kanya. Kahit papaano, makakatulong ang isyu para mapag-usapan siya dahil sabi nga nila, publicity good or bad is still publicity. Baka meant to be na lumitaw ang isyu para magkaroon ng ingay ang name niya bilang isa sa mga kapareha ni Barbie Forteza sa Meant to Be.