Vhong takot na uling pakasal

Naranasan nang makasal ni Vhong Navarro noong 21 years old pa lang siya sa aktres na si Bianca Lapus kung kanino meron siyang anak na si Ice who is now 18 years old. Ayaw daw kasing pasukin agad-agad ni Vhong ang pagpapakasal ulit sa bago niyang karelasyon.

“Siyempre, hinahanapan natin ng tamang pagkakataon ang lahat.

“Noong ikasal ako at age 21, mapusok pa tayo noon. Parang akala mo ay iyon na ang magiging forever mo.

“Pero nangyari na ang nangyari at hindi naging forever ang pagsasama namin.

“Ngayon inaalagaan ko ng husto ang relasyon kong ito.

“Nagkaroon man ako ng pagkakamali noon, nandiyan pa rin siya sa tabi ko.

“Kaya special ang taong ito sa akin at ayokong magpadalus-dalos.

“Kung pakiramdam namin ay ito na ang tamang panahon para mag-settle down na kami, mangyayari iyon,” pagtapos pa ni Vhong na bida sa unang pasabog ng 2017 na Mang Kepweng Returns.

Cai sa online dating site nakilala ang forever

Magandang Christmas gift para sa aktres na si Cai Cortez ang pagsilang niya sa baby boy nila ng kanyang mister na si Wissem Rkhami.

Pag-describe pa ni Cai noong una niyang nasilayan ang kanyang baby boy ay “love at first sight”.

Matagal na raw hinintay ni Cai ang pagkakataon na maging isang tunay na ina na siya. Kaya noong matagpuan niya ang lalaking tunay na nagmamahal sa kanya ay hindi na siya nagdalawang-isip pa.

Civilly-wed pa lang sila Cai at Wissem at ang planong church wedding nila ay next year na raw.

“Matagal ko nang hinintay ang moment na ito na masasabi kong ina na ako. Gusto kong maranasan ang feeling ng mga kaibigan kong may mga anak na. Kaya dumating siya sa tamang panahon,” pahayag pa ni Cai nang makausap namin siya sa press conference ng Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough na isa sa official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Inamin ni Cai na nakilala niya si Wissem sa isang online dating service. Noong magkita na sila ng personal, may naramdaman siyang kakaiba rito.

“I know in my heart na he’s the one. Ito ang lalaking mamahalin mo for the rest of my life.

“Dahil sa kanya, naniwala ako sa forever. Noon hindi ako naniniwala. Ngayon meron na akong matatawag na forever!” pagtapos pa ni Cai Cortez.

Mistletoe ni Justin Bieber pinakapinanonood sa YouTube tuwing Pasko

In the spirit of the Holiday season, inilabas ng YouTube ang 10 Most Viewed Christmas Videos of all time. Nanguna sa listahan ay ang Christmas song ni Justin Bieber na Mistletoe na may 260 million views. 

Ikawang puwesto ay ang classic Mariah Carey holiday song na All I Want for Christmas Is You na meron ng 250 million views.

In the third spot ay ang Last Christmas ng ‘80s group na Wham! with 202 million views.

Pasok sa listahan ang version ni Mariah ng All I Want For Christmas with Justin Bieber at number 4 with 127 million views.

Number five is Pentatonix’s version of Little Drummer Boy with 111 million views.

Nasa number six naman si Ariana Grande at ang Holiday tune niya na Santa Tell Me with 110 million views.

At number seven, ang version ng Pentatonix na Carol of the Bells with 71 million views.

Shakin’ Steven’s Merry Christmas Everyone is at number 8 with 31 million views.

Number nine ang Carpool Karaoke version ng All I Want For Christmas ni Mariah with James Corden with 21 million views.

At ang number ten ay ang God Ye Rest Merry Gentlemen ng Pentatonix with 13 million views.

 

Show comments