Marian at Angelica todo tsikahan!
Masyadong busy bukas, November 18 sina Alden Richards at Maine Mendoza. Maaga pa ay nasa The Element Centris sa Diliman, Quezon City na si Maine dahil siya ang kinuhang Keynote Speaker ng Success Re-Defined – The Many Faces of Success, as a TV Host/Actress. Iyong mga gustong mag-attend ay kailangang mag-register at magbayad ng P 500.00 for their tickets.
Pagkatapos noon ay tuloy na si Maine sa Eat Bulaga para sa kalyeserye nila ni Alden. At pagdating ng 4:00 p.m., sila ang magbubukas ng GMA Kapuso Celebrity Ukay-Ukay - Noel Bazaar sa World Trade Center.
Samantala, todo-suporta naman si Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes kaya nag-attend siya ng premiere night ng movie nito na The Unmarried Wife na second movie na nito sa Star Cinema katambal muli si Angelica Panganiban last Tuesday, November 15.
Sa wakas, nagkita na rin ng personal ang magkaibigang sina Marian at Angelica na nagpapalitan lamang ng messages sa kani-kanilang Instagram account simula pa noong magpakasal si Marian kay Dingdong.
Kapansin-pansin din na ang suot ni Marian ay ang special creation para sa kanya ng Portuguese designer na si Joac Rolo, isang black cocktail dress na lalong bumagay sa kanya. Showing na ngayon in cinemas nationwide ang The Unmarried Wife.
GMA ang daming nomination sa Asian TV Awards
Naglabas na ng nominations ang 21st Asian Television Awards (ATA) ng Singapore na gaganapin sa Suntec Singapore International Convention and Exhibition Centre sa Friday, December 2, kung saan ang ating Pambansang Bae na si Alden Richards ay isa sa mga host, with Adrian Pang, Stephanie Carrington and Baki Zainal.
Narito ang nominations for GMA Network:
Best Comedy Programme - Bubble Gang
Best Social Awareness Programme – Reel Time: Isinulat sa Tubig
Best Comedy Performance by an Actor/Actress – Michael V (Pepito Manaloto)
Isa lamang ang nomination na nakuha ng ABS-CBN –Best News Presenter or Anchor: Cathy Yang (Market Edge by Cathy Yang/ABS-CBN News Channel, ANC).
- Latest