^

Pang Movies

Sweet female singer nagta-transform sa pagiging tsismosa ‘pag nakakakatikim ng alak!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakasanayan na pala ng female singer na ito ang uminom ng alak bago sumalang sa entablado kaya naman may kakaibang kilos daw ito kapag umepekto na ang alak sa katawan niya.

Super-ingay at puro malalaswang salita ang lumalabas sa bibig nito kaya ang mga nakakasama nito sa show ay tinatawag siyang ang “babaeng nawawala sa sarili”.

Ibang-iba raw ang image ng female singer kapag nakaharap ito sa camera. Sweet, tahimik at halos walang kibo kapag nasa dressing room ito na nakikinig lang sa music.

Pero kapag kasama raw nito ang kanyang mga friends at nakikipag-inuman, nagiging ibang tao na siya at kung sinu-sino nga raw ang niyayakap at hinahalikan kapag lasing na.

Ang nakakalokah pang ginagawa ng lasenggang female singer ay ang manlaglag ng mga kasama niyang mag-perform sa mga show.

Minsan ay may inokray siyang biritera na nakasama niya sa isang show. Pinuna nito ang sumasabit na boses nito noong bumirit at nabahuan daw siya sa hininga nito. Tuwing siya na raw ang gagamit ng microphone, kinailangan niyang punasan muna ito ng tissue bago niya gamitin.

Sa isang company party kamakailan, isang male singer naman na kinumpirma ni female singer na isang “girl”.

Nahuli nga raw niya itong nakikipaghalikan sa assistant nito na lalake nang mag-show sila sa ibang bansa. Nang makita raw ito si female singer, bigla raw silang naghiwalay at tila nataranta si male singer at nagkulong sa banyo.

Kaya careful ang ibang friends ni female singer na may makita itong puwedeng itsismis sa ibang tao. Kaya binabantayan nila ang alcohol intake nito dahil baka kung anu-ano pang maikuwento niya, baka ikasira pa ito ng kanyang career.

Kylie nag-emote sa salubong ng mga tao

From Japan ay nakauwi na ang tinanghal na Miss International 2016 na si Kylie Verzosa noong nakaraang November 11.

Nagulat daw si Kylie sa maraming tao sa airport para salubungin siya. Naiyak nga raw ang beauty queen sa tuwa dahil hindi niya ini-expect ang gano’ng welcome sa kanya. Una niyang pinasalamatan sa kanyang tagumpay ay ang kanyang mga magulang dahil sila ang may alam ng mga naging sakripisyo para marating niya ang kinalalagyan niya ngayon.

“They know how much I’ve been through and how much we’ve been through.

“All the hard works, all the struggles, they know my secrets, I want to thank them for everything that they’ve been doing for me,” emote pa ni Kylie.

Nagsalita naman ang ina ni Kylie na si Gemma Raquel Fausto dahil sa sobrang proud ito sa kanyang anak.

“It’s actually just starting to sink in that Kylie has brought pride to the country. It’s no longer for the family and for Baguio, it’s now for the Philippines. And we are so proud.”

Excited na raw makauwi ng Baguio City si Kylie para pasalamatan niya ang kanyang mga kababayan sa suporta na binigay sa kanya noong nasa Japan siya.

Si Kylie ang ika-anim na Pinay na nakasungkit ng Miss International crown after nina Gemma Cruz, Aurora Pijuan, Melanie Marquez, Precious Lara Quigaman and Bea Rose Santiago.

Hollywood actor na si Robert De Niro gustong sapakin si Trump

Depressed ang Oscar winning actor na si Robert De Niro dahil sa pagkapanalo ni Donald Trump bilang bagong pangulo ng Estados Unidos.

Isa ang aktor sa maraming hindi natuwa sa pagkapanalo ng tycoon sa eleksyon at hindi niya ito tinatago sa media.

Sa paglakad ng 73-year old actor sa red carpet premiere ng pelikula nilang The Comedian sa Los Angeles, hiningan siya ng ilang pahayag tungkol sa naganap sa election.

“We have to just wait and see how things go and keep our eyes ever vigilant on the new government. Yes, absolutely. Things aren’t being done right,” diin pa niya.

Bago ang election, very vocal si De Niro sa pagsabi na hindi niya susuportahan si Trump dahil sa anti-immigration barrier na ipapatayo ng billionaire between U.S. and Mexico.  Nasabi pa niya na “I’d like to punch him in the face.”

Noong lumabas na ang results ng election at nanalo si Trump over Hillary Clinton, tinawagan si De Niro ng kanyang grandparents sa Italy at sinabihan siya na nag-offer ang mayor ng Ferrazzano na si Antonio Cerio na welcome itong tumira sa kanilang city kung maghahanap ito ng refuge.

TSISMOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with