Pia pride and joy ni Marlon! Gerald laging nami-miss si Bea

Kahit may sisimulang show sina Gerald Anderson and Kim Chiu, hindi na afraid ang actor na ilantad ang kanilang relasyon ni Bea Alonzo.

Sa show ni Luis Manzano na Family Feud, sinabi ni Gerald sa actress, nang hiritan siya ni Luis ng message : “Kahit magkasama tayo kanina, I miss you.”  Magkasama rin nung Undas ang da­lawa sa Singapore.

Teka baka puwede nang talk show host si Luis dahil napaamin din niya si Filipino-Swiss race car driver Marlon Stockinger tungkol sa kanila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang programa pa rin. Ang say ni Marlon ay si Pia ang kanyang ‘pride and joy.’

Madalas mag-comment si Pia sa IG post ni Marlon.

Nauna na ring inamin ng car racer na nagkikita nga sila ng beauty queen.

Vic at Pauleen limang taon na

Ay kalahating dekada na pala ang relasyon ng mag-asawang Vic Sotto and Pauleen Luna.

Sa Instagram account ni Mrs. Sotto kahapon, nag-upload siya ng picture nila ni Vic na nasa isang resto. At ang caption : “happy anniversary my love #halfadecade.”

Pero kinasal lang sila last December 2013.

Parang kelan lang nang umamin sila sa kanilang relasyon, limang taon na pala ‘yun.

Sariling anak na lang nila ang hinihintay.

Si Vic ay may apat na anak na sa mga dating karelasyon.

Show comments