^

Pang Movies

Magbago na sana, Cogie binigyan ng another chance

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binigyan na naman ng GMA 7 ng another chance si Cogie Domingo.

Mamaya ay mapapanood na si Cogie sa Someone To Watch Over Me nina Lovi Poe at Tom Rodriguez. Biyudo na mai-in love kay Lovi ang role ni Cogie sa Someone To Watch Over Me at kahapon ay nag-taping na siya.

Sana lang talaga ay hindi na bumalik ‘yung dating working attitude si Cogie na palaging nale-late sa taping para hanggang sa ending ng Someone To Watch Over Me ang role roon at hindi mag-end agad, huh!

Kita ng The Escort na P5 million walang padding

Speaking of Lovi, maraming natuwa sa tagumpay ng The Escort movie nila ni Derek Ramsay.

Naka-5 million pesos sa box-office ang The Escort noong opening day.

Ipinangangalandakan ng Regal Entertainment ang kinitang ‘yon ng The Escort dahil ‘yon ang totoo at walang padding, huh!

Puwedeng sabihin ng mga taga-Regal Entertainment na mas mataas pa roon ang kinita ng The Escort noong opening day, pero ayaw naman nilang mandaya!

Inaasahan namang mas kikita ng mas malaki pa ang The Escort ngayong weekend!

Siphayo pinalabas nang wala nang ingay

Bigla na lang palang nag-showing ang Siphayo ni Nathalie Hart noong Wednesday.

Nakasabay ‘yon sa showing ng The Escort. Nakakaloka lang na pagkatapos ng matinding promotions ng pelikula na dapat ay three weeks ago pa ipinalabas ang pelikula ni Nathalie, pero biglang postponed ‘yon.

Nang magdesisyon na ipalabas na ang pelikula  ni Nathalie, parang biglang wala nang ingay. Sayang naman dahil sa mga kuwento pa naman ni Nathalie ay maganda raw ang Siphayo.
Well...

 

vuukle comment

COGIE DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with