Malalaman ngayong gabi kung matutupad ang pangarap ni Jenny Syquia na magkaroon ng anak na international beauty queen.
Kilalang-kilala ko si Jenny kaya alam ko na matindi ang paghahangad niya na makuha ng kanyang anak na si Cloie ang Miss Earth 2016 title. Si Jenny pa na napaka-competitive?
May mga humuhula na kung hindi man ma-getlak ni Cloie ang korona at title ng Miss Earth, baka maging runner-up siya ng winner na tiyak na hindi type ni Jenny na mangyari.
May magkapatid ang rarampa ngayong gabi, si Cloie at ang kanyang half-sister na si KC Concepcion na host ng Miss Earth 2016.
Imposibleng hindi kabahan si KC sa laban ni Cloie dahil very supportive siya sa kanyang kapatid sa ama.
Malaki ang maitutulong ng presence ni KC sa Miss Earth dahil mabibigyan niya ng moral at emotional support ang kanyang younger sister.
Talbog ng Miss Earth Miss International at Miss Grand International hanggang YouTube lang
Bukas pa pala mapapanood sa ABS-CBN ang coronation night ng Miss Earth.
At least, ipalalabas sa TV ang Miss Earth, hindi kagaya ng Miss International at Miss Grand International na napanood lang sa YouTube. Hindi ko minamaliit ang YouTube pero iba pa rin kapag live na napapanood sa TV ang mga beauty pageant dahil nadaragdagan ang prestige nito.
Sa true lang, ngayon ko lang narinig ang beauty contest na Miss Grand International dahil nagkaedad ako na Miss Universe, Miss World, at Miss International ang mga sikat na beauty pageant.
Sa dami ng mga bagong beauty contest na nagsulputan, hindi na ito masyadong sineseryoso katulad ng sampu sampera na award giving bodies sa Pilipinas.
Kahit sino na lang, puwedeng magbigay ng mga acting award dahil sa kagustuhan ng mga organizer na makita nang personal ang kanilang mga favorite star na kadalasan, dinededma ang mga imbitasyon na natatanggap.
Sam YG may oras para gumala at maghanap ng mga lumang bagay
May reminder si Sam YG, ang huwag kalimutan na tutukan ang pilot episode ng bagong show niya sa GMA News TV, ang Vintage Trip na magsisimula ngayon at mapapanood mula 11 a.m. hanggang alas-dose nang tanghali.
Si Sam ang solo host ng programa na very informative dahil mga panahon pa ni Kopong-Kopo ang mga bagay na ipapakita niya sa Vintage Trip.
Ipinagmamalaki ni Sam na kakaiba ang kanyang show na talagang pinagpaguran nila ng staff.
Kahit busy siya sa trabaho niya sa FM station, inayos ni Sam ang kanyang schedule para makapunta siya sa mga malalayong probinsya na kinaroroonan ng mga vintage item.
Ginamit ang panunukso para magtagumpay
May-I-confess ni Sam sa presscon ng Vintage Trip na biktima siya ng bullying.
Katakut-takot na pang-aapi at dusa raw ang inabot niya sa kamay ng kanyang mga kaklase sa Ateneo de Manila University.
Ikinuwento ni Sam na umiiyak ito sa tuwing umuuwi ng bahay dahil hurt na hurt siya sa mga tukso na narinig. Kesyo Bumbay siya at mabaho.
Nalampasan ni Sam ang mga panglalait ng kanyang mean schoolmates na kaibigan na niya ngayon at iniimbitahan pa siya para maging emcee ng kanilang mga wedding reception.
Sa kabila ng lahat, hindi nalilimutan ni Sam ang nakaraan na ginagamit niya ngayon para lalong maging successful ang kanyang hosting career sa radyo at TV.