Tanging sina Juan Rodrigo at Rez Cortez lamang, among the cast of the restored version of the 1982 movie, Haplos, ang present sa screening na ginanap sa UP Town Center Cinema 3. Naghakot ng ilang major awards ang Haplos sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 1982.
Of course, dumating din ang direktor ng Haplos na si Butch Perez at ang nag-direk ng cinematography na si Romy Vitug. Ganun din si Jun Latonio, na siya namang naglapat ng musika.
No show din si Ricky Lee, na siyang sumulat ng script. At ang nakapanghihinayang ay ang absence ng mga lead actors na sina Vilma Santos, now Congresswoman of Lipa City, Rio Locsin, at Chistopher de Leon.
Ayon kay Leo Katigbak, who heads the ABS-CBN Film Restoration, nag-express daw si Boyet (Christopher) ng regret na ‘di makakarating, dahil manggagaling pa nga naman siya ng Las Piñas, where he and his family live.
Si Rio naman, like Ricky, is reportedly in the US.
No need to tell you kung ano ang hitsura ng cast 34 years ago.
Sa kanilang looks, tiyak na maraming padadapain sina Rep. Vi at Rio sa mga kabataang artista ngayon. Bale ba that early, kasama na sina Boyet, Rez, at Juan ay nagpakita na ng gilas sa pag-arte.
Haplos, which Bibsy Carballo line-produced for Mirick Films, a production owned by Jesse Chua, ay tiyak na nakaka-identify with pa rin ang mga millennillas.
Sana, ABS-CBN would release Haplos in one, two, or three theaters ngayong malapit na ang Undas.
May temang horror kasi ang Haplos.
Alfred mas fokus sa political career
Nakasabayan pala ni now 2nd term Representative ng fifth district na Quezon City, si Alfed Vargas, as a Star Magic talent sina Dennis Trillo (yes, he started as a Kapamilya, too), Nadine Samonte at Bea Alonzo more than 10 years ago.
Star Magic, of course, is the discovery and talent arm ng ABS-CBN.
He was a Kapamilya for two years may memorable siyang ginawang series, ang Pangako Sa ‘Yo, na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.
Now, of course, like Dennis, isang Kapuso na si Rep. Alfred. Pero hindi kagaya ni Dennis na isang full-time actor, mas naka-focus siya sa kasalukuyan sa kanyang political carreer.
He makes time, though, to do films, ‘pag feel niyang maganda ang pelikula. One best example is Supremo, kunsaan nanalo siyang best actor sa 10th Golden Screen Awards.
Si Rep. Alfred ang lead role sa Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa, na isa sa 10 finalists sa 2017 Cinemalaya full-length competition.
Direction is by Perry Escaño na kilala bilang theater, TV, and film actor.
Bilang member ng House Representatives, Rep. Alfred is getting noticed for the 100 or so bills he has principally authored, one of which is the Mandatory Philhealth Coverage for all Senior Citizens.
Turning 37 na sa October 24 si Rep. Alfred at siya ay happily married at biniyayaan ng two beautiful young daughters.
Jake susugalan ang sariling pelikula
Determinado na raw na huwag nang umibig muli muna si Jake Cuenca pagkatapos nilang maghiwalay sa pangalawang pagkakataon ng US based commercial and ramp model na si Sara Grace Kelley.
Magpo-focus daw muna siya sa kanyang showbiz career.
Dahil hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-submit sa isang acting workshop with Hollywood acting coach Ivana Chubback, babalik daw siya sa U.S. para kumuha ng crash course sa school ni Chubback.
Jake’s next agenda is to do an indie movie, titled Requied, na siya ang bida at magpu-produce.