Sa lahat ng mga pelikula na ginawa ng direktor na si Chris Martinez, ang Working Beks ang paborito niya at malapit sa kanyang puso.
Tungkol sa limang baklita ang kuwento ng Working Beks na pinagbibidahan nina TJ Trinidad, Edgar Allan Guzman, John Lapus, Joey Paras at Prince Stefan.
Si Chris din ang sumulat ng script ng Working Beks na tribute niya sa lahat ng mga bading at sa yumaong direktor na si Ishmael Bernal, ang direktor ng 80’s hit movie na Working Girls.
Ang sey ni Chris, magugustuhan ng moviegoers ang Working Beks at makikisimpatiya sila sa mga gay character ng pelikula.
Bumilib naman si Chris kay Prince dahil naging matapang ito na aminin sa publiko ang pagiging vaklush.
Nag-audition si Prince para sa role nito sa Working Beks at nang magkita sila ni Chris, ipinagtapat niya agad ang tunay na pagkatao.
Dahil sa pagoapakatotoo ni Prince, nakuha niya ang challenging role sa Working Beks at bale ito ang kanyang biggest break sa pelikula.
May special participation sa Working Beks si Bela Padilla bilang love team ni Edgar Allan Guzman.
Puring-puri ni Chris ang acting ni Bela sa Working Beks dahil ang husay-husay raw ng mestisang aktres.
Closet gay na aktor naman ang role ni Edgar sa pelikula. Sure ako na makaka-relate sa karakter ni Edgar ang mga kapwa niya artista na pa-mhin pero never na aamin dahil afraid sila na mawalan ng career.
Jeric Raval nagpapa-controversial sa edad
Walang naniniwala sa pralala ni Jeric Raval na 57-years-old na siya.
Ang duda ng iba, nagpapakontrobersyal lamang si Jeric pero may mga nagsasabi na puwedeng totoo ang claim niya dahil baby faced siya.
Ang OctoArts Films ang discoverer at nag-build up noon kay Jeric bilang action star. Para malaman natin ang the truth and nothing but, mas mainam na tanungin si OctoArts Films big boss Orly Ilacad o si Aster Amoyo dahil mas kilala nila si Jeric.
Napag-uusapan si Jeric dahil kasali rin siya sa cast ng Working Beks bilang love interest ni John Lapus.
Zsa Zsa ipinagdadamot na ang lovelife
Kinumpirma ni Zsa Zsa Padilla na nagkabalikan sila ng kanyang fiancé na si Conrad Onglao pero hindi na siya nagpainterbyu.
Tama ang desisyon ni Zsa Zsa na huwag munang magsalita dahil may mga tao na siguradong iintrigahin ang reconciliation portion nila ni Conrad.
Sa mga type na marinig ang kuwento ni Zsa Zsa, hintayin natin ang tamang panahon dahil hindi naman siya maramot na magkuwento tungkol sa mga nangyayari sa love life niya. Hayaan muna natin na i-enjoy nina Zsa Zsa at Conrad ang Part 2 ng kanilang makulay na love story.