MANILA, Philippines – Lahat ay sang-ayon na ang Lunes ay very stressful day. Kadalasan, ito rin ang araw kung saan pinakamalala ang traffic situation sa Metro Manila.
Pinapangarap ng lahat na sana, mas maging mabilis ang takbo ng traffic na parang si Flash.
Si Flash ay isang superhero na may abilidad sa pagiging mabilis. Si Barry Allen ang gumaganap na bida sa Flash. Ginagamit niya ang kanyang abilidad para labanan ang mga kriminal at tulungan ang mga pulis sa pagsugpo ng krimen.
Bukod pa riyan, may sarili ring mission na tinatapos si Barry. Hinahanap niya kung sino ang pumatay sa kanyang ama noong siya ay bata pa.
Pero paano kaya nagkaroon ng super-speed power si Barry na dahilan kung bakit siya binansagang The Fastest Man Alive?
Nag-umpisa ito sa maulan na gabi nang pumalya ang particle accelerator na inimbento ng Star Laboratories para tulungan na magkailaw ang siyudad. Tinamaan ng kidlat si Barry na nagtatrabaho noong gabi ‘yun. Na-comatose ng siyam na buwan si Barry dahil sa pinagsamang kidlat na tumama sa kanya, kemikal na nilabas ng particle acceleration, at sa matinding radiation na bumalot sa siyudad.
Nang magising na si Barry, doon niya nadiskubre ang kanyang kakaiba at nakamamanghang abilidad. Noong una ay nag-alinlangan si Barry sa paggamit ng kanyang “powers” pero kalaunan ay natutunan niya rin itong gamitin sa tama gaya ng ibang superheroes.
Nang isang beses na gamitin ni Flash ang kanyang powers, may biglang lumabas na kulay dilaw na nauna na niyang nakita noong pinatay ang kanyang ina. Ano kaya ang koneksyon ng kulay na ito sa kanyang abilidad at sa pagkakapaslang sa kanyang ina?
Tutok lang sa Superhero Monday ng TV5 at panoorin ang Arrow Season 3 ng 7pm at The Flash ng 8pm, tuwing Lunes sa TV5, ang SUPERHERO HQ!