Hindi lang pala ang cable network na HBO ang umayaw sa laban ni Senator Manny Pacquiao kay Jessie Vargas sa November, kundi pati na ang MGM Grand sa Las Vegas ay nag-decline na maging venue para sa laban ni Pambansang Kamao.
Nakasanayan na ng maraming Pinoy sa Amerika na sa MGM Grand nagaganap ang mga laban ni Pacman. Pero sa pagkakataong ito ay sa Thomas & Mack Center sa University of Nevada sa Las Vegas na gaganapin ang Pacquiao Vs Vargas.
Ang dahilan ng MGM Grand ay may conflict daw sa schedule kaya hindi nila tinanggap ang maging venue ng laban ni Pacman.
Halos pareho ang dahilan nila ng HBO na may conflict din sa schedule umayaw sila na i-air ang laban sa kanilang pay-per-view.
Priority daw ng naturang cable network ang boxing match nila Andre Ward at Sergey Kovalev.
Ayon sa boxing analyst na si Sam Cooper, ang pag-reject ng HBO at MGM Grand sa laban ni Pacman ay may kinalaman sa motibo ng boxer-turned-senator.
Ayon pa sa blog ni Cooper: “Pacquiao’s comeback screams of someone returning for a paycheck and no other reason.
“It’s not that though there’s some pressing need for Manny to defeat a fringe champion like Vargas and nobody on Team Pacquiao appears to be all that concerned with unfinished boxing business.”
Nag-react naman si Pacman ang sinulat ni Cooper na pera ang dahilan kung bakit niya biglang binawi ang retirement niya sa boxing.
“Alam mo, diyan ako tumanda, lumaki sa boxing.
“Siyempre ‘yan ang hilig ko. Kumikita ako ng pera, pero kasama na rin ‘yan, hindi naman pwedeng hindi ka bigyan ng premyo,” diin pa ni Pacman.