John Lloyd at Maja pumiyok sa ligawan!

Hindi naman daw totoong nagkakamabutihan, nagliligawan or nasa dating stage sina Maja Salvador at John Lloyd Cruz.

Ito ang paglilinaw ng handler ng dalawa na si Neneth Rustia base sa text message na ipinadala niya sa Tonight With Boy Abunda.

Marami kasi ang nag-speculate that Maja and Lloydie are “into each other” nang manood sila ng How To Be Yours na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo last Wednesday.

Bale ba, nagpakuha pa ng larawan sina Maja and Lloydie at ginaya ang poster nina Gerald at Bea na nagtititigan.

Ayon sa handler nina Maja and Lloydie na si Neneth Rustia, ang panonood ng sine ng dalawa ay bilang suporta lang kina Gerald at Bea at hindi raw “date” iyon.

“Dating? Kung dating iyon, hindi sila magpo-post especially si John Lloyd. At kasama kami last night, marami kami. Iyon lang ‘yung tulong nila sa kaibigan nilang si Bea,” saad ng text message ng handler nina Maja and Lloydie.

Pero sa true lang, kung titingnan mo talaga ang picture nina Maja and Lloydie na nagtitigan at ginagaya nga ang poster nina Bea and Gerald, parang may “something” talaga. Parang ang lagkit kasi ng titigan nila, eh.

Anyway, parehong single ang dalawa ngayon kaya siguro madaling i-link hindi lang sa isa’t isa kundi sa iba ring artista.

Kabi-break lang ni Loydie kay Angelica Panganiban at si Maja naman, after Gerald Anderson ay wala pang napapabalitang bagong boyfriend.

Javi sinusundan-sundan si Liza Soberano

May pagka-artistahin ang dating ng panganay na anak at unico hijo ni Neros Occidental’s 3r District Representative Alfredo Abelardo “Albee” Benitez na si Javier Miguel or Javi for short kaya sa presscon ng mag-ama para sa 4th season ng show nilang Game Changer sa ANC Channel ay pinutakti ng tanong ang binata tungkol sa showbiz lalo pa nga’t nali-link siya ngayon sa Kapuso star na si Jazz Ocampo. Pero ang isa pa raw gusto niya ay ang Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Hindi na pala bago kay Javi ang showbiz partikular na ang pagho-host dahil noong bata pa siya ay naging host daw siya ng Sports Kid sa Studio 23 kung saan ay apat silang mga batang hosts.

“It’s not (my first time to be hosting a show), but it’s been a while,” say ni Javi.

Sa nakaraang three seasons ng Game Changer ay si Congressman Albee lang ang host ng show at bale sa bagong season ngayon, papasok bilang co-host niya ang anak.

Dahil nga artistahin ang kanyang looks, natanong si Javi kung gusto rin niyang mag-artista pero sa ngayon ay mukhang wala siyang plano dahil graduating siya ng kusong Political Science and Computer Science sa Santa Clara University sa California.

“Pwedeng pag-isipan, tingnan natin,” nakangiti niyang sabi.

But more than showbiz ay para ngang mas interesado pa si Javi sa public ser­vice kagaya ng kanyang family. May ino-organize siyang fun run sa Victorias City, Negros Occidental to be held on Aug. 13 para sa medical treatment ng dalawang batang babae, one has ovarian cancer and one has a heart condition.

Nang matanong naman si Javi about Jazz, aniya, ay friends pa lang daw sila pero may plano ang binata na ligawan ang young actress.

If you’re curious about Javi, panoorin siya sa Game Changer sa ANC every Saturday at 9:30pm with replays every Sunday at 9:30am.

Toni at Mariel pahinga na!

Dahil parehong buntis, sabay pang nag-leave ang magkaibigang sina Toni Gonzaga-Soriano at Mariel Rodriguez-Padilla bilang hosts ng Pinoy Big Brother na kasalukuyang umeere ngayon.

Si Toni ay nasa ika-7 buwan na ng pagbubuntis at nakatakdang mangangak sa end of September or first week of October. Lalaki ang magiging una nilang anak ni Paul Soriano.

Si Mariel naman, bukod sa PBB ay nag-leave na rin siya sa It’s Showtime. In an interview with TWBA, pinasalamatan niya ang management na naiintindihan ang kanyang maselang kalagayan.

“I’ll always be grateful to my It’s Showtime family, to my PBB family, to ABS-CBN. Thank you so much. You don’t know how much it means to me na naiintindihan nila. I’m fighting for my baby’s life so talagang kakaririn ko muna ito,” pahayag ni Mariel sa Tonight With Boy Abunda.

Matatandaang dalawang beses nang nakunan si Mariel na lagi na talagang maselan magbuntis.

Sa kanyang pangatlong pagbubuntis ngayon, she’s undergoing heparin treatment to ensure na walang magiging problema sa kanyang pregnancy.

Marami ang nagdadasal na sana this time ay magtuluy-tuloy na at hindi na magkaroon ng problema sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pagsisilang ng una nilang anak ni Robin Padilla.

Samantala, wala pang inaanunsyo ang PBB kung sino ang papalit kina Ma­riel and Toni.

Show comments