Ryza sa ibang bagay nagpapagaling ng dinaramdam

MANILA, Philippines – Ginanap noong kamakalawa ang kauna-unahang art exhibit ng GMA Artist Center star na si Ryza Cenon sa Guevarra’s by Chef Laudico sa San Juan.

Ipinamalas niya rito ang lagpas 30 niyang abstract paintings na kasalukuyang naka-exhibit sa nasabing restaurant at maaring bilhin ng mga art collectors.

Kuwento ni Ryza, nagsimula siyang magpinta one year ago upang dito i-express ang kanyang mga nararamdaman, masaya man o malungkot. “I paint to express how I feel. Iba yung nabibigay niyang satisfaction sa akin, especially kapag stressed ako sa rami ng issues sa buhay in general and even sa personal life. Painting allows me to express my thoughts and ideas based on my feelings. I told myself, instead of expressing elsewhere your emotions, why not put it into painting.”

Ang bahagi ng kikitain ng mabebenta niyang paintings ay ido-donate ni Ryza sa Kapuso Foundation.

Kim pangarap rumampa ng seksi

Isa sa mga top contenders sa FHM 100 Sexiest Women ang GMA Artist Center star na si Kim Rodriguez.

Inamin ni Kim na hindi siya nag-e-expect na mag-number one. Aniya, masaya na siya na bahagi ng nasabing listahan dahil ang ibig sabihin nito ay may mga taong sumusuporta sa kanya at naniniwalang karapatdapat siyang masali sa nasabing listahan. “Hindi na ako naghahangad nung top spot. Basta I mean, makapasok lang ako, dream ko before ‘yung makarampa ako sa 100 Sexiest ‘yun, so excited din ako.”

Sanggre ng Encantadia bumida sa Toycon 2016

Sa unang pagkakataon ay nagsama-sama ang mga bida ng inaabangang series na Encantadia sa Toycon 2016 + Poplife Fanxperience kahapon sa SMX Convention Center sa Pasay. 

Bumida rito ang apat na Sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro. 

Nakasama pa nila sina Rocco Nacino, Ruru Madrid, Rochelle Pangi­linan, Vaness del Moral,  Pancho Magno, Buboy Villar, Carlo Gonza­lez, Kate Valdez, Mikee Quintos, James Teng, Klea Pineda, Migo Adecer at Solenn Heussaff. 

Dinumog ng fans ang nasabing event.

Megan travel lang nang travel

Nakakaaliw pagmasdan ang mga travel photos sa Instagram feed ni Megan Young. Pinaninindigan talaga ni Megan ang kanyang pagiging Miss World sa iba’t-ibang bansang binisita niya ngayong taon.

Kakabalik lamang niya mula Kuwait noong Mayo 28 para sa ika-118 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ngayon namang Hunyo ay muli siyang lilipad patungong Carson City sa United States para makasama ang kanyang mga kababayan doon.

Ang taunang selebrasyon ay gaganapin sa Veterans Park sa pangunguna ng Philippine Independence Day Foundation, Inc. kasama ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International bilang exclusive media sponsors.                                                                                

Show comments