‘Di na sasali, Mother Lily dismayado sa MMFF

Bihirang makausap ng press ang Regal matriarch na si Mother Lily. Usually nangyayari lang iyan kung may mga press conferences ang kanyang mga pelikula.

Iyan naman kasing si Mother, isa siya sa mga producer na maganda ang relasyon sa movie press, at lagi siyang naroroon para salubungin at batiin ang lahat ng kanilang mga bisita.

Usually, in the end, si Mother din ang gumagawa ng appeal sa press para tulungan ang kanyang pelikula.

Nakausap na naman ng press si Mother Lily noong press conference para sa pelikula niyang I Love You to Death. Binigyan niyang muli ng break si Kiray Celis para maging bida sa kanyang pelikula dahil sa sinasabi nga niya, “she’s a very beautiful girl”.

Pero dahil kinikilala rin bilang isa sa mga natitirang haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino, natanong din naman siya on the sides tungkol sa film festival. Matatandaang noong nakaraang taon, ang kanyang anak na si Dondon ay nagharap ng reklamo laban sa festival committee sa pagkaka-disqualify ng kanilang pelikula para sa awards.

Hindi na lang kumibo si Mother pero maliwanag ang kanyang disappointment. Naniniwala siyang walang ipagbabago ang festival kahit sinasabing nagpalit na ng pamunuan iyon. Sinasabi rin niyang malabo ang regulasyon na kailangang isumite na sa committee ang buong pelikula, kaysa sa gaya noong dati na kailangan ay script lamang.

Tama siya dahil hindi lamang nangangahulugan iyon na mas matagal matutulog ang kanilang puhunan, kung buo na rin ang isang pelikula nang ganoon katagal, mas malaki ang posibilidad na iyon ay mapirata. Baka nga magkaroon ng pirated copy bago pa ang festival.

Hindi natin maikakaila na may panahong masasabing Regal ang bumuhay sa festival. Ewan na lang ngayon kung sakali nga na magdesisyon ang kumpanya na huwag na munang sumali.

Kahit na-link din sa droga noon Alma dapat pasalamatan sa ginawang pagtestigo sa NBI

Binash at sinabing OA pa si Alma Concepcion nang magtungo siya sa NBI para sabihin kung ano ang kanyang mga nakita doon sa concert kung saan may namatay na limang tao, dahil diumano sa mga ilegal na droga.

Bago pa man lumabas ang forensic reports, ang isang post ni Alma sa kanyang social media account ay maliwanag na nagpapakitang posible ngang may mga nanood na tumira ng droga sa nasabing concert, batay sa kanyang description.

Pero ano man ang sabihin ng mga basher na iyan, kung iisipin dapat ngang ipagpasalamat pa natin ang kooperasyong ipinakita ni Alma Concepcion para mas magkaroon ng linaw ang mga nangyari sa concert na iyon.

Hindi mo masisisi si Alma, mayroon din siyang anak na posibleng maging biktima ng droga. Kung natatandaan ninyo, minsan ay nakasuhan din siya sa US nang mapagbintangang may dala siyang droga.

Sa kanyang ginawa, ipinakikita lamang ni Alma ang katotohanang laban siya sa droga, at isa rin siya sa mga concerned parent na ayaw mapahamak ang kanilang anak dahil sa paglaganap niyang mga bawal na drogang iyan.

“Party drugs” ang tawag nila sa mapanganib na drogang iyan, kaya talamak nga iyan sa mga party. Dapat na talagang mapatigil iyan.

Show comments