^

Pang Movies

Movie nina Alden at Maine hindi pa rin mahanapan ng title

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-resume na muli ng shooting ang Imagine You & Me, tentative title ng solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza at magkasama silang dalawa ngayon sa undisclosed location ni Direk Mike Tuviera. 

Kaya hindi sure ang AlDub Nation kung magsi-celebrate ng kanilang 47th weeksary ang magka-love team sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Mami-miss daw nila ang conversation nina Maine at Alden in the Italian language na tina-translate naman nila ang meaning para maintindihan ng dalawang lolas at ng mga televiewer.  Kung may sarili silang mundo kapag magkasama na sila lamang ang nagkakaintindihan, ngayon daw naman ay sila lamang ang nagkakaintindihan ng pinag-uusapan nila, pero ikinakikilig iyon ng kanilang mga fans.

Laswaan nina Heart at Dennis nakakatanggal daw ng stress

Kinikilig si Heart Evangelista na kapag nasa bahay si Senator Chiz Escudero ay nanonood ng kanilang sexy-naughty series nila ni Dennis Trillo na Juan Happy Love Story. 

Pero nahiya raw siya nang minsang nanood si Sen. Chiz, ang nataong eksena ay ang kissing scene nila ni Dennis after their wedding scene.  Nasa kitchen daw ang husband niya, kaya lumipat siya sa living room at nag-paint-paint siya roon.

“Mabuti na lamang at hindi talaga seloso ang asawa ko at alam niyang trabaho lamang iyon,” natatawang sabi ni Heart.  “Pero may konting kaba rin ako nang gawin namin ang eksenang iyon at naramdaman ko rin si Dennis na kinakabahan.  Thankful kami sa mga nanonood dahil nakakaalis daw kami ng stress.  Kami man ni Dennis ini-enjoy namin ang mga ginagawa namin, kasi magaan at lagi kaming nagbibiruan kahit nag-aaway kami sa eksena.  Marami pang mangyayari, abangan ninyo kami.”

Marian ayaw maging nega!

Masaya si Marian Rivera at ayaw niyang patulan ang pamba-bash sa kanya tungkol sa morning show niyang Yan Ang Morning (YAM). 

Alam daw niya ang totoo, mula sa rating ng show, hanggang sa mga pumapasok na commercials na mostly ay mga endorsement niya na all out ang suporta sa kanya.

“Masaya ako kasi kahit hindi naman ako talaga mahusay na talk show host, nakakaya ko namang ibigay sa studio audience at sa televiewers ang gusto nilang mapanood sa aming show,” sabi ni Marian.  “Nakakatuwa rin ang response ng televiewers na nagpapadala sila ng emails at nagsa-suggest sila kung ano ang topic at kung sino ang guests na gusto nilang mapanood.  Kaya naman pinag-aaralan namin ito at inihihingi ng pahintulot lalo na kung medyo delikado ang topic. Salamat sa kanila.”

Tulad ngayong umaga sa Yan special guests ni Marian at ng bff niyang si Boobay, sina Arnell Ignacio, ang anak nitong si Pie at si Director Andrew “Mamu” de Real at ang anak nitong si Alyssa.  Alam nating mga pusong mamon ang dalawang tatay sa Kakaibang Tatay episode.  Lagi silang nagpapatawa, pero ang buhay-pamilya nila, masaya rin kaya?  Mapapanood ang Yan sa GMA at 9:30 a.m.

Tutok na rin si Marian ngayon sa pagti-taping ng epic serye na Encantadia 2016 kung saan gumaganap siya bilang si Ynang Reyna, kasama ang asawang si Dingdong Dantes bilang si Haring Raquim at anak nila ang apat na Sang’gre na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia, sa direksyon ni Mark Reyes.

vuukle comment

CLOSE UP FOREVER SUMMER CONCERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with