^

Pang Movies

Show ni Marian pinag-iinitan ng mga basher!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Umaariba na naman ang mga hater/basher ni Marian Rivera. Pinalulutang na naman na mababa ang ratings ng morning show niyang Yan Ang Morning sa GMA.

Palibhasa fresh na fresh ang dating ni Yan Yan tuwing umaga kaya naman positibo lagi ang aura niya na damang-dama sa programa, huh!

Sa totoo lang, kuntentung-kuntento ang Kapuso network sa resulta ng daily program ni Marian pagdating sa ratings. Eh, nagbalikan na ring lahat ang endorsements ng Primetime Queen kaya tadtad ito ng commercials.

Ang isa pang gustung-gusto ng televiewers sa kanyang program ay marami silang natututunan. Nakakaaliw na very informative pa, huh!
Kumbaga, hindi lang kaartehan at kalandian ang nahihita ng manonood.

Kaya imbento lang ang umuugong na tsismis na sisibakin na ang show ni Marian, huh!

Obivously, inggit na inggit lang sila dahil nahahasa na ang galing niya sa paghu-host at hindi na lanta ang kanyang byuti, huh!

Iya walang kahirap-hirap sa pagbubuntis

First time magsasama sa isang programa ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania sa daily three-minute cooking show na Home Foodie Kayang-Kayang Sarap kung saan San Miguel Purefoods products ang pangunahing gamit na produkto.

Seven months pregnant na si Iya sa panganay nila ni Drew. Pero hindi naging sagabal ‘yon upang hindi niya tanggaping makatrabaho ang asawa. Tutal naman, wala pa siyang nararamdaman na contractions na senyales para magpahinga na siya.

“Actually I am very happy to be part of the very successful show. Thanks for letting me make gulo.

“It’s also very exciting because it’s the first time that Drew and I will work together ever since Click and ever since we got married. Nakakatuwa siyempre.

“May mga hugot ako sa show actually na nailalabas ko rito! Ha! Ha! Ha! Saka meron din naman siya. So these are the things a lot of couple will be able to relate to when they watch the episode.

“Pero siguro mas kailangan nilang panoorin ‘yung outtakes dahil nandoon talaga ang kulitan namin. Ang dami ninyong information sa three minutes,” saad ni Iya.

Hindi naman daw hirap sa trabaho ang host kahit ilang buwan na lang ay puwede na siyang manganak.

“Hindi nga ako hirap eh. Sana lahat ng pregnancy ko eh ganito. No troubles until I give birth,” sabi ni Iya.

Kay Drew wala rin siyang trouble?

“He’s in big trouble! Ha! Ha! Ha!” biro niya. “Ang sarap lang niyang katrabaho. It’s not work,” dagdag ni Iya.

Biro naman ni Drew, kung merong pangarap si Iya habang nagtatrabaho sa kitchen ay ‘yung topless ang drama niya. 

Pero ayon sa kanya, wala siyang pagbabawal sa asawa trusted niya ito pagdating sa pangangalaga sa kalusugan niya’t sa magiging anak na Antonio ang nais niyang maging unang pangalan.

Bukod kina Drew at Iya, makakasama rin ng dalawa ang chefs na sina Llena Tan-Arcenas, Rene Ruz at RJ Garcia. Magsisimula na ang Home Foodie sa June 13, Lunes hanggang Martes after ng Unang Hirit sa GMA.

vuukle comment

ASK JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with